Chapter 09: Kira (Editing)

622 37 7
                                    

"Ano ba kasi itong nangyayari sa paaralan na'tin? Bakit ba hindi matapos-tapos ang pag-patay sa mga estudyante? Sino ba ang may kagagawan ng lahat na 'to? Sino ka ba Kira?"

-----

Chapter 09: Kira

Reneeme's POV

Kasalukuyang naka-upo ako sa harap ng study table ko at kinakabisado ang lahat na formula sa lintek na Physics na 'to. Bukas na ang third examination namin at hindi pa rin ako nakakaumpisa sa pagre-review. Tiningnan ko ang relos ko at mag-aalas otso palang pala. Pero hindi pa nga ako nangangalahati, tinalaban na agad ako ng antok. Napa-isip ako, 'Paano 'pag ang minimeet-ingan ng mga teachers ngayon ay tungkol sa mga nangyayaring kababalaghan dito? Gagawa na ba sila ng solusyon para matapos na ang pagkamatay ng mga estudyante dito? Pero ang ipinagtataka ko rin, parang wala silang kinukuhang imbistigador para mag-imbistiga sa paaralan.'

        "Haaayyy," humikab ako at kinusot-kusot ang dalawang mata. "Dito nalang ako matutulog."

Third Person's POV

        Hatinggabi. Tahimik ang paligid. Nakakasilaw ang liwanag ng buwan na tumatagos sa loob ng kwarto ni Renee. Rinig mula sa labas papunta sa kwarto niya ang mga huni ng ibon na tila hindi natutulog tuwing hatinggabi.

      Sa di malamang kadahilanan, habang mahimbing na natutulog si Reneeme ay may pumapasok sa kwarto niya na mga itim at puting usok. Hindi iyon usok mula sa siniga na dahon sa labas o sinindihang kandila. Nag-iiba ang anyo nito pero walang itsura. Habang papasok na ito sa loob ng bintana ay naging hugis ahas ito. Pagapang-gapang ito na animo'y may hinahanap. At nang nakapasok na ito, naging hugis tao na ito. Itim at puting usok, magkasama para maging hugis tao. Wala itong itsura. Blangko. Ngunit malalaman mong babae ito dahil sa mahabang buhok at hugis paldang supt nito.

    Malakas na katok mula sa pinto ni Renee ang kanyang narinig kaya bigla siyang naalimpungatan at nagising. Tumingin siya sa paligid at nagulat sa kanyang nakita.

Reneeme's POV

        Mahimbing akong natutulog nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya bigla akong nagising. Kinusot ko ang mata ko at tumingin-tingin sa paligid. May hindi akong maintindihan na nanilalang sa harap ko na parang papalapit sa akin. Malabo pa sa paningin ko ang bagay na ito kaya hindi ko pa masabi kung ano o sino ito. Habang papalapit siya sa akin ay unti-unti na rin akong nahihilo. Hindi ko na napansin ang malakas na katok sa pintuan ko. Pahina nang pahina na rin ang ritmo nito sa tenga ko at tuluyan nang nawala. Pati ang katauhan ko ay nawala na rin. Hanggang sa naging itim na ang paligid.

        Puti. Isang puting lugar na parang walang hanggangan. Napakasilaw nito sa aking mata.

        "Saan ako? Ano 'to? May tao po ba dito?" sigaw ko. Para akong sira na nagtatanong na wala namang sumasagot.

        "Tulong! Tulong!" paulit-ulit kong sigaw.

        Naglakad ako at tinahak ang lugar na kasing puti ng nyebe. Palingon-lingon ako sa paligid pero wala akong nakita na kahit anong bagay. Nasaan ako?

        "Buti at nakapunta ka," isang boses babae ang narinig ko mula sa likuran ko.

        Liningon ko siya at muli nakita ko na naman ang babaeng nakatingin sa akin noong pauwi na ako. Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako o siya ang mkagagawan kung bakit ako nandito?

        "Sino ka ba at bakit ako nandito," lumapit siya sa akin at akmang magshe-shake hands sa akin, with pataray na tingin.

        "I'm Nemisis. At kung tinatanong mo kung bakit ka nandito, ay dahil may dapat kang malaman. Sabihin nalang nating, laro ito at ikaw ang taya."

Someone is Staring at You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon