1: Palamuti

17 1 0
                                    

Lutang na naman ang isipan ko. Nakalugmok na naman ako sa higaan ng kawalan. Gusto ko ng mawala. Gustong gusto ko ng mawala.

Mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Nag-uunahang rumagasa. Hindi ko mapigilang humikbi at mapahagulgol ng malakas. Gusto ko ng matulog ng panghabambuhay. Eh di sana hindi ko ramdam ang kalungkutang pinagdadaanan ko ngayon.

Isang malakas na hagupit ng palad ang natamo ko kay itay kanina. Palibhasa'y lasing na naman. Hindi na siya nagbago. Hindi na niya binago ang sarili niya simula nang iwan kami ni inay para sa ibang lalaki.

"Magluto ka na dito!!" Agad akong bumangon at nagtungo sa kusina. Kinuha ko ang kalderong nanlilimahid sa uling at binuksan ang bigasan.

"Wala na pong bigas.'' Saad ko sa kanya.

'"Umutang ka sa tindahan! Wala kang silbi! Puro ka na lang pag-aaral! May mapapala ka ba diyan?!" Sumbat niya. Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya bagkus ay nagtungo ako kina tiya Jolly. Nakikipag-chismisan pa siya kay Karen na kakauwi lang galing japan.

"Tiya, maari po bang dagdagan ang utang namin?" Diretso kong tanong sa kanya. Nababasa ko sa muka niya ang pagkayamot s nang udlotin ang pag-uusap nila. Walang ano-ano ay nagbitaw sya ng salita.
"Magbayad bayad kayo ng utang nyo, sabihin mo sa tatay mong magaling." saad nya at pinakuha rin ako.

Kumuha ako ng limang kilong bigas, limang sardinas saka limang noodles at limang tinapay. Nagsasalubong ang kanyang kilay nang iabot ito sakin.

Pagkauwi ko ay nagtakal na ako ng bigas saka nagsaing narin. Nagluto ako ng isang noodles at nagbukas ng isang sardinas. Inihain ko ito sa mesa atsaka kumain. Hinainan ko rin si itay pero di ko na siya inalok. Agad akong nagtungo sa kwarto. Ikinandado ko ang pinto tsaka ko hinubad ang aking suot na jacket at pang-ilalim na sando. Humarap ako sa salamin at lumantad sa akin ang katawan kong napakaraming pasa.

'Balang araw ay makakawala rin ako sa bahay na ito.' Bulong ko sa aking sarili.

Nahiga na ako at nagtaklob ng kumot.

Alas dos ng umaga nang ako'y alimpungatan. Naligo na ako saka nag-umagahan. Nagsuot muna ako ng bestida saka sinimulang maggawa ng pastillas. Ito ang binebenta ko sa school para magkaroon ng baon at pagkain na rin.

Mamaya ay dadaan ako sa dalampasigan at mangongolekta ng sea shells para sa paggagawa ng palamuti na akin namang tatahiin at ilalako sa bayan.

Dala ang lampara ay nagtungo ako sa kambingan ni ka Doryo at ginatasan ang inahing kambing. Pasalamat na lang talaga at hindi ito matapang kaya hindi ako sinusuwag. Pagkauwi ay hinalbusan ko ito saka inilahok sa pastillas na ginagawa ko.

Halos ilang oras din nang matapos ako. Nagbihis na ako ng unipormeng na pinapasukan ko.

Dala ang isang bayong ay umalis na ako ng bahay.

Hinubad ko ang sapatos ko nang mapagtanto kong nasa pangpang na ako. Kinolekta ko ang mga sea shells na nakikita ko at inilalagay ito sa plastik bag.

"Tanghali ka na." Saad ng pamilyar na boses sa akin. Mula sa malaking bato ay lumabas ang nagtatagong si Tiano.

"Kanina ka pa ba rito?" Ngumiti siya sakin ng pagkakatamis.

Si Tiano ay kaedarin ko rin. Parehas kami ng pinapasukang school at magkaklase rin kami. Hindi maganda ang karanasan niya sa pamilya niya palibhasa'y napulot lamang siya sa dalampasigan. Hindi katulad ko, lagi siyang binubugbog ng kanyang ama at sinisinghalan pa ng ina. Ang dalwa naman niyang kapatid ay kapwa batugan at tanging siya lamang ang kumakayod para buhayin ang kanyang pamilya.

"Oo, Marinella. Inaabangan nga kita eh." Pagkasabi niya noon ay inilabas niya ang plastik na may lamang mga sea shells. Agad akong napangiti nang makita ito.

DaluyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon