3: bukang liwayway

1 1 0
                                    

Dalwang buwan na ang lumipas mula ng pangyayaring iyon. Hindi na ako nakapunta sa graduation sapagkat nakaratay parin ako sa Hospital ng mga panahong iyon, hindi ko na rin nasilayan pa si Mildred dahil ayon kay Tiya Jolly ay nasa Japan na ito bago pa ako magkamalay.

Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?

Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ko parin ang paglalako ng pastillas at palamuti, hindi narin ako umuuwi sa bahay sa pagkat masyado pa ring sariwa ang mga nangyari sa akin doon at masyado rin akong natatakot na baka saktan na naman ako ng itay kapag umuwi ako. Malapit naman sa look ng piyer ako kumukuha ng mga shells subalit hindi na sila yung katulad ng palamuting nagagawa ko dati at sa palengke narin ako bumibili ng gatas para sa pastillas.

Samantala, ang kinikita ko sa pagtitinda ang siya namang ibinabayad ko sa aking renta malapit sa kolehiyong aking pinapasukan dito sa may bayan ng Hidalgo. Malayo-layo ito sa dati naming baryo.

Primary Education ang aking kinuha sapagkat iyon talaga ang pangarap ko simula't sapul.

"Marinella, ikaw ba'y hindi pa uuwi? Baka naman gusto mo rin kaming pakitain sa negosyo." Agad kong tiningnan si Tata Selso. May katandaan na ito at talaga namang napakasungit rin madalas sa akin.

"Uuwi na rin po ako, uubusin ko lang po itong dalawang plastik ng pastillas." Paliwanag ko na siya namang nginuso niya.

Nang maubos ang paninda ay isinakbit ko na ang bayong sa balikat ko at tinahak na ang daan patungo sa aking apartment. Maya-maya pa ay kumalam ang aking sikmura. Hindi ko matandaan kung kailan ako huling kumain. Sinipat ko ang relo ko, 5:28 pm. kinalkal ko ang aking bayong, nagbabakasakali sa pagkaing nakatago rito nang mabangga ako sa isang lalaki.
"Pasensya na." Saad ko. Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad subalit sinalubong ako ng dalawang mama. Bahagya akong napaatras subalit naramdaman ko agad ang matulis na bagay sa tagiliran ko.

Napagtanto ko na nasa may ilalim na pala ako ng tulay kaya walang masyadong tao rito, bibihira lang rin ang mga sasakyang dumaraan dito sapagkat sentro nga ito ng nakawan at aksidente.

"Saan ang iyong destinasyon?" Tanong ng lalaking mataba ang tiyan. May hawak itong dos por dos at may naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Ihahatid ka na namin." Tiningnan ko ang lalaking may hawak naman ng bote ng alak. Kasabay ng kanyang binitawang salita ay ang paghalakhak naman ng lalaki sa likod ko.

"A.. anong kailangan niyo?" Nangangatal kong tanong sa kanila.

"Naku naman, ijah. Hindi pa ba halata? Pera lang at makakaalis ka na." Mahigpit kong hinawakan ang bayong ko. Kapag kinuha nila ang pera ko wala na akong maipanggagastos at ipangbabayad sa renta. Bahagya akong napaubo.

"Ija. Pera pera lang. Ibigay mo na." Bulong ng lalaki sa likod ko.

"Magmamatigas ka pa, huh?!" Nang lalapit na ang dalawang lalaki sa akin ay mabilis ko silang hinampas ng bayong at tumakbo palayo sa kanila.
Mabuti na lamang at hindi nakahawak sa akin ang lalaki sa likod ko.

Maya-maya pa ay may humatak ng buhok ko at kinaladkad ako pabalik.
Dito na ako nagsimulang sumigaw.
"Tulong!!!"

"Akala mo ba may tutulong sayo dito." Saad ng humila ng buhok ko.

"Nagmatigas ka pa kasi eh, di sana hindi tayo hahantong sa ganito." Dagdag niya. Mabilis niyang hinablot ang bayong sa balikat ko at malakas akong itinulak sa... sa... kalsada.

*Peeeeppp!!!!

Nakakaliyo. Ano 'tong malamig na bagay na tumutulo sa ulo ko? Ang dilim! Bakit ang dilim??! Tulong! Tulong!

--

DaluyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon