Hayst sobrang puyat ko pano ba naman kasi tinapos ko yung kdrama na pinapanood ko sobrang ganda kasi hehe.
Panoorin nyo din guys sila Park Shin Hye and Lee Min Ho yung bida hihi nakakakilig.
Buti nalang talaga pang hapon ako.
Tinignan ko yung oras
It's already 10:30am
12:10 ang pasok namin kaya kokonti nalang oras ko.
Agad ako bumangon at diretso banyo.
Mabilis lang ako natapos sa pag ligo and then nag ayos na . Pag labas ng kwarto wala pang naka hain sa mesa .Nubayan gutom nako tapos ma le late pako.
11:30 na kasi lalakan pako hanggang kanto tas sasakay pa ng jeep.
Umalis nalang ako sa bahay ng di kumakain.
Bahala na sa school nako kakain. Kahit ano nalang.Pag dating ko sa school 12:05 na.
Myghad 5 mins nalang!!!!
Dali dali akong tumakbo sa room at buti nalang wala pa teacher namin .
Pag upo agad na tumabi sakin si jaycel. Alam kona sasabihin neto.
"Ano inadd mona ba?"sabi kona e. Di ako nag kamali.
"Oo layasan moko mag re review ako may quiz sa science mamaya" wala talagang quiz sinabi kolang yon para tigilan nyako.
"Edi ikaw na masipag mag aral psh" oh dba umalis din hehe galing ko.
"Angeline"
Napalingon ako sa tumawag sakin and guess who?
Eren lang naman ang tumawag sakin
Ang crush ko myghad!! Ano kaya kaylangan neto . Waitlang waitlang titignan ko muna itsura ko sa salamin . Okay naman itsura ko chaka ako tumingin sakanya.
"Bakit?" Tanong ko ng may halong excitement.
"Peram ballpen"basag.
Manghihiram lang naman pala ng ballpen ang bwisit. Kainis!
"Ano ginagawa mo? Okay kalang?" Tanong nya.
Hindi. Di ako okay kasi umasa ako huhuhu.
"Ah oo ano nga ulit yon?" Peste peste peste.
"Pahiram kako ng ballpen ,meron kaba?"
"Wala!" Kaasar.
"Okay? Ang sungit mo ngayon haha". Kaasar sya hmp!
Sya si Eren Baselton. Simple lang sya crush din sya halos lahat ng mga babae dito sa room namin isa nako don pano ba naman kasi sobrang gwapo nya. Hehe
Ay papakilala konga pala sarili ko. Ako si Angeline Veloso Watson but you can call me jelaii. Favourite subject ko is math . Pangarap ko maging doctor pero di kaya ng mga nag papa aral sakin kaya engineering nalang. Well gusto kodin naman yon kaya okay lang hehe.
______________________________________
Please support poooVote,comment,share
Thankyouupo
YOU ARE READING
LDR
Teen FictionAno mararamdaman mo kung malayo yung mahal mo? Ano gagawin mo para masiguro mong hindi siya titingin sa iba habang dika nya kasama? Mahirap ang LDR sa lahat ng tao dahil malayo kayo sa isa't isa ng taong mahal mo.