Chapter 5

116 4 0
                                    

Hi sorry kung pinag hintay ko kayo , sana mag enjoy kayo!! ^_^

Chapter 5

Maaga akong pumasok sa school ngayon may kaylangan din kasi ako bilhin sa palengke kaya dumaan ako don.

Wala pang gaanong tao sa school kasi nga maaga ako pumasok.

Nang naka pasok nako sa room namin agad akong nag tungo sa pwesto ko at umupo sabay dukdok sa lamesa ko. Inaantok kasi ako ewan kapag gantong tanghali nakaka antok hayst.

Tinignan ko yung iilan palang na mga classmate ko. Merong nag tatawanan, may nag se selfie at meron mga nakaupo at nag se cellphone lang.

Pero napatingin ako sa bandang gilid ko. Nakita ko yung isang lalaki na nag susulat. Sobrang seryoso niya na parang pag tinamaan mo siya ng kaonte ay sisigawan ka.

Agad ko siyang nilapitan dahil nabuburyo din naman ako wala pa kasi yung dalawang bruha.

"Oy Jc!" Tawag ko sakanya. Oo ang lalaking  seryosong seryoso at nag susulat ay kilala ko , dilang basta kilala dahil siya ang pinaka malapit na lalaking kaybigan ko.

Di manlang sya gumalaw na parang wala siyang narinig patuloy pa din sya sa pag susulat.

"Hoy!" Tawag ko uli.

Sa pag kakataong ito binalingan niyako ng naka kunot ang kanyang noo. Ngunit agad din siyang bumalik sa pag susulat.

"Sandali lang mamaya mo nako kausapin , kaylangan ko tapusin to." Sagot niya habang patuloy sa pag susulat.

Hinayaan ko siyang mag sulat at pinag masdan. Sa lahat ng mga kakilala at kaybigan kong lalaki siya ang pinakamalapit sakin. Minsan pa nga kaming inasar ng pinsan nya na bagay daw kami at lagi niya sinasabi na may gusto sakin si Jc. Pero hindi ko nalang pinapansin yon.

Ang pangalan ng lalaking nasa harap ko ay Juan Carlo Gomez , jc for short. Diko alam kung bakla to o ano dahil hindi siya mahilig makisalamuha sa mga lalaki at loko loko naming classmate, lagi mo siyang makikita na nakaupo sa pwesto niya at tinitignan lang ang nga maiingay naming mga kaklase.

Ako lang din ang palagi niyang kasama na babae, tahimik lang din siya at may pag ka lamya.

Nangunot ang nuo ko habang naka tingin sakanya ng may naalala ako.

"Hoy anong ginagawa mo? Bakit nag mamadali kang mag sulat diyan?" Sabi ko habang nakatingin sa sinusulat niya at dun ko napansin na sinusulat pala niya yung assignment namin. "Ah kaya pala sige magpakatamad kapa para ganyan nalang lagi gagawin mo. Mag mamadaling mag sulat pag nasa school na". Ngunit dinya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Sandali lang sabi" sagot niya.

Pinabayaan ko nalang siya at bumalik sa upuan ko. Wala siyang kwentang kausap bwisit siya.

Hindi din naman nag tagal magkasunod na pumasok si Jaycel at si Aenna. Nagtaka pa sila nung nakita nila kong nakaupo sa pwesto ko.

"Aga ah" si Aenna.

"Talagang maaga ng papasok yan simula ngayon". Nakangising sabi naman ni Jaycel. Nakakatakot ngumisi to. Parang tanga.

"Bakit naman?" Tanong ni Aenna then umupo siya sa tabing upuan ko.

"Wag ka magpapaniwala diyan". sagot ko nalang. Tinignan ko ng masama si Jaycel pero tinawanan lang ako ng bruha.

"Weird" sabi ni Aenna habang naka tingin samin.

"Tara bili nalang tayo sa canteen"  pag aaya ko sakanila.

Walang tumayo sakanilang dalawa kaya tinignan ko sila ng nagtataka. Nyare? Matakaw tong dalawang to ah.

LDRWhere stories live. Discover now