"Ang init ng ulo natin ngayon ah!" saad ni Bryan na bestfriend ko. Iritado akong pumasok ngayon sa school. Pa'no ba naman eh valentines ngayon. Oo na, ako na ang bitter.
Sino bang hindi magiging bitter kung ang boyfriend mo eh mismong sa Valentines Day makikipagbreak? Lintek, isang taon na nakakalipas pero ang hirap pa rin. Na-trauma na ata ako.
"Babe!" masaya 'kong sinagot ang tawag niya. Valentines Day ngayon panigurado ay may surprise na naman siya.
"Let's talk, sa may likod ng school," sagot niya. Let's talk? I felt uneasy. Baka naman iba ang ibig sabihin niya. Hindi tama ang iniisip ko.
Binaba niya ang call at iniwan akong tulala. May nagawa ba 'kong masama? Wala naman.
May event ang student council namin. Dahil Valentines ngayon ay may ginawa silang dress code.
Red—for couples
Pink—for mutual understanding
Violet—study first
Black—walang kwenta ex ko
Green—di ako crush ng crush ko
Blue—di pa ako umaamin kay crush
School uniform— killjoyNaghanap ako ng magandang red na dress at pinartneran ng 2 inches na heels. Onting make-up at tapos! Paniguradong magugustuhan to ni Oliver.
Pagkapasok ko sa campus ay oonti lamang ang naka uniform. Saktong nakita ko naman si Oliver, ang boyfriend ko. Imbes na red ang suot niya ay nakapink siya. Eh? Baka nagkamali lang siya ng kulay.
Or so I thought? May kausap siyang babae na nakapink din. Ayoko siyang pagduduhan dahil may tiwala ako sakanya. 'Wag kang maissue, Iris.
"Oliver!" tawag ko sakanya at sabay na ngumiti. Agad siyang napalayo sa babae na kausap niya.
"Andyan ka na pala Iris!" hinawakan niya ko at dinala sa may bandang likod ng school. Nakita kong lumingon pa siya sa babae.
"Selene," sa tono ng pagsabi niya ng pangalan ko ay ramdam ko na may mali.
"Let's break up," akma pa kong tumawa. Prank ba 'to? Maloko talaga to si Oliver eh.
"Bad joke Oliver!" at hinampas ko pa siya sa balikat habang tumatawa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Sorry Selene,"
Tuluyan bumagsak ang mga luha ko. Mahigit 2 taon, dalawang taon ang sinayang niya. "Baket? Anong mali sa'kin?"
Umiling siya, "Walang mali sayo, it's my fault. Nahulog ako sakanya. Lagi kang busy sa acads. It's obvious naman na we are not working out" niyakap niya 'ko. Tinulak ko nalang siya. Wala na akong lakas para sigawan siya. Malubo na rin naman mata ko sa mga namumuong luha.
"Paalam, Selene" at tuluyan na siyang umalis. Nanghihina ako, umupo ako sa may kahoy at pinabayan magpaunahan ang mga luha ko.
May mali ba sa'kin? Pa'no niya natapon ang 2 taon, dahil ba sa hindi ako kagandahan? Ano naman kung busy ako sa acads? Edi sana nagpagawa siya thesis! Matalino ako, mabait din ako. Masagasaan sana paa niya.
May lumapit sa'kin na lalaki, 'di na ko nag-abala na tignan siya. "You're the best he could get, and he blew it. Don't let your value decreased dahil di niya nakita ang worth mo" pagkasabi niya ay inabutan niya ako ng panyo.
"Wag ka na umiyak, 'di bagay sayo" imbes na tumawa ay mas umiyak pa 'ko. Ga'non na ba talaga ako kapanget "Hoy joke lang! Ba't lalo ka umiyak!?" binalik ko ang panyo niya at tinignan siya.
Iniiwas niya ang tingin at nilahad ang kamay niya, "Bryan" inilahad ko rin ang kamay ko at sinabi ang pangalan ko.
"Heartbroken ka rin ba?" nakita ko kasi ang suot niya. Nakagreen siyang hoodie. Natawa naman siya sa sinabi ko "Oo eh, nakita ko umiyak crush ko"
Araw ata ng mga sawi 'to at hindi Valentines ang daming umiiyak. Simula nung araw na 'yon ay sinumpa ko ang ex ko. Naging magkaibigan naman kami ni Bryan.
"Ayos ah naka-blue, may plano ka na rin umamin! Congrats bro," ngumiti naman siya. I suddenly felt chills o baka hangin lang 'yon.
Kung blue ang suot ni Bryan, ako naman ay nakauniform. Kj na kung kj mas magmumukha akong bitter kung nagblack ako. Baka makita ko pa ang ex kasama yung masawsaw niyang girlfriend.
Nagkanya-kanya kami ni Bryan dahil magkaiba kami klase. Bigla namang nagvibrate ang phone ko, wala pang teacher kaya chineck ko.
From: Bryan
Tara kain tayo mamaya, libre ko!
Nagreply ako ng "sige" at sabay pindot ng mute sa phone ko. Sakto naman dumating na si Sir. Halos lahat nga lang ng sumunod na klase ay puro freetime, absent ang ibang teacher. Sana may bawas 'to sa tuition.
Pagkatapos ng klase ay hinanap ko si Bryan. Pagkakita ko sakanya ay agad akong tumakbo. Natawa pa siya sa inasal ko.
Nilagay niya pa ang kamay niya sa balikat ko, ramdam ko na may kuryente sa balikat ko. Kailangan ko na ata magpacheck-up.
"San mo gusto?" tinuro ko ang KFC kaya tumawid na kami. Pinahanap niya ako ng upuan habang siya naman ang nag-order.
Habang hinihintay namin ang order ay naglaro nalang kami ng ML. Mythic siya tapos ako Epic lang, madalas eh pabuhat lang talaga ako.
"Hoy 'wag mo ko iwan, Bryan!" saad ko habang agresibo na pinipindot yung screen. "Oo, hindi kita iiwan" ramdam ko ang pagtingin niya kaya nawala ang focus ko sa game at namatay.
"No. 3672" buti nalang ay tinawag na ng cashier ang number namin. "Ako na kukuha, naglalaro ka pa," ani ko kay Bryan.
Akmang tatayo na ako kaso pinigilan niya 'ko. "Wag na, dito ka nalang laruin mo yung akin" binigay niya naman sa'kin yung phone. Mabait si Bryan, maitsura at gentleman kaya nagtataka ako kung ba't di siya sinasagot nung crush niya.
Pagkabalik ni Bryan ay ibinigay na niya sa'kin ang order ko. "Oh! Order mo" nagsimula na kami kumain. Ginawa kong sabaw ang gravy. Ansarap talaga ng chicken ng KFC.
Nakita ko si Bryan na kinuha ang cellpone niya at pinicturan ako habang tumatawa. Kukunin ko sana ang phone kaso tinaas niya kaya 'di ko naabot.
"Ano ba! Akin na yan!" bulol-bulol pa ko dahil may laman pa ang bibig ko. Binigay niya ang picture habang tumatawa. "Ang dungis mo haha" kumuha si Bryan ng tissue at pinunas sa bibig ko.
Para bang naestatwa ako sa upuan ko. 'Di ako makagalaw sa upuan ko, ramdam ko rin na umiinit ang pisngi ko kaya napayuko ako. Hindi na rin nagsalita si Bryan.
"Iris," tawag niya sa'kin. Dejavu. Ganito rin ang naramdaman ko nung tinawag ni Oliver ang pangalan ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong kinakabahan. "Gusto kita"
Hindi ko alam ang gagawin ko, ayokong magsettle. Ramdam ko pa rin ang sakit na binigay sa'kin ni Oliver. Ayoko maging unfair kay Bryan, he deserves someone better.
"Joke lang haha" dagdag ni Bryan. Medyo nakahinga ako ng maluwag pero 'di ko kinayang tumawa. Ayoko tumingin kay Bryan. Natatakot ako na baka hindi lang pala biro 'to.
Nagpatuloy lang kami kumain at pagkatapos ay umuwi na kami. "Iris, mag-iingat ka palagi" bati niya sakin bago 'ko ihatid sa may sakayan.
***
Maraming araw ang dumaan na hindi ko na nakita si Bryan. Nung bumisita ako sa bahay nila ay sinabihan ako ni Aling Myrna na pumunta raw sila sa Canada.Matagal na raw na plano nang pamilya nila na umalis. Nagkaroon pa ng emergency kaya mas lalong napaaga. Baket di mo manlang ako sinabihan Bryan? Sabi mo hindi mo 'ko iiwan.
Sana pala ay binigyan kita ng chance, andami kong sana. In the end, I regret all the chances I didn't take and the relationship I was afraid to have. Gusto rin kita, Bryan.