Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Pa'no ba naman pagtingin ko sa harap ay pumasok si Luan na crush na crush ko sa first section.
Kung siya lagi ang nasa harap eh malamang ay nagets ko ang trigonometry at hindi ako natutulog sa klase.
"Good Morning everyone! You can write stories and poems for the school's newspaper," aniya niya kasama pa ang iba naming co-members na galing sa first section.
Sumali ako sa Publication Org. ng school namin para makasama siya. Hindi naman talaga ako magaling, kaya 'di ako nilalaban sa ibang school.
Ang ginagawa ko lang ay mangolekta ng facts at requirements sa mga events na pinapublish sa articles. Okay lang naman, ang mahalaga ay nakikita ko si Luan.
Alam ko namang hinding-hindi niya ko magugustuhan kaya hanggang sulyap nalang ako. May nagkakagusto rin sakanya na classmate niya kaya alam kong wala akong laban.
Mason Luan C. Tan. Gwapo, Responsable, Mayaman, Section A, Class Valedictorian, at Editor-In-Chief sa Publication Org.
Ako. Agnes Iris D. Castillo. Ni-pangalan ay hindi pa pinagpala, Section C, Tagadaldal lang sa klase at contributor.
Kung pagkukumparahin ay wala na talaga akong panama sa crush ko. Hays! Buhay nga naman. Napakaunfair.
"You can submit your works to Ms. Castillo, thank you!" hanggang dun nalang niya masasabi ang pangalan ko, ni hindi manlang Agnes o kaya Love, jk.
Nadismaya ako nang lumabas sila, buti nalang ay may meeting mamaya. Agad nagsilapitan ang mga kaklase ko at nagpasa ng kung ano-ano.
Hanggang dito nalang talaga ako. Kailangan ko na magmove on sa crush 'ko na 'to. Natapos ang clase kaya dumiretso ako sa Publication room.
Napaaga ata ako masyado dahil wala pa ang EIC namin na si Luan. Antagal mo naman crush.
Nagulat naman ako ng bigla siyang pumasok na hingal na hingal. Kawawa naman ang future jowa ko, jk. Ayoko na!
"Any updates sa dyaryo?" tanong ni Luan sa layout artist namin, marami pa silang sinabi pero wala naman ako naiintindihan.
Inisa isa ni Luan ang writers namin kung tapos na ba sila sa mga article nila. Tumango ang lahat maliban kay Mae, siya yung asungot na nagkakagusto rin kay Luan. Siya ang news writer namin.
"Wala pang binibigay na facts sakin si Agnes, galing sa event" anong pinagsasabi ng hinayupak na 'to? Wala naman nangyaring event? Ang alam ko eh nabigay ko na lahat ng facts galing sa latests na event.
Nakatingin sa'kin si Luan, imbes na kiligin ay takot ang naramdaman ko. Agad 'kong iniwas ang tingin ko.
"Castillo, ano ba?! 'Yan na nga lang ang trabaho mo tas mali pa rin. Gusto mo bang ikaw nalang news writer?!" Aba, kung matalino lang sana ako edi sana ako na rin Editor-in-Chief.
Nangingilid na luha ko pero pinapigilan ko. Sinigawan ka lang di ka naman nireject, okay lang yan. "Baka may facts si Ms. Gomez, puntahan mo dali!" utos niya sakin.
Wala na akong nagawa kundi umalis. Baket ba ikaw crush ko? Baket di nalang si Bryan na layout artist, mabait din naman siya lamang ka nga lang ng ilang ligo. Nakakainis ka Mason Luan! Mukha kang mason jar.
Kumatok ako sa faculty at hinanap si Ms. Gomez. "Ma'am may facts sheet po ba kayo galing sa latest event?" may kinuha si ma'am sa drawer niya at inabot sa'kin.
Pagkatapos ko lumabas ay chineck ko kung tamang fact sheet ba ang nakuha ko, baka sigawan na naman ako ng Luan na 'yon.
Binuksan ko yung papel at napakunot ang noo. Mukhang hindi 'to fact sheet, scinan ko pa ng bigla akong napatigil. May pangalan ko.
Ms. Castillo,
I know you're probably annoyed reading this letter. Sorry, di ko naman sinasadyang pagalitan ka. This is my way of confessing that I like you. Alam ko naman na hindi mo 'ko gusto. Kada papasok ako sa room mo ay di ka tumitingin o di mo manlang ako pinapansin.
Natawa naman ako sa nabasa ko. Tanga ka ba? Pa'no kita titignan baka malusaw ako?
Bago ako pumunta sa meeting ay inabot ko muna 'to kay Ms. Gomez. 'Wag kang mag-alala, ang akala niya ay fact sheet talaga 'to. Hindi ka rin pinag-iinitan ni Mae, kaya 'wag kang magalit sa kanya. It's part of my plan. Matagal na kitang pinagmamasdan, bago ka pa sumali sa Org. Nagulat pa ko kung 'bat ka sumali eh hindi ka naman mahilig mag-sulat.
Natawa naman ako. Sumali ako dahil sayo! Sira.
Gusto kita Agnes Iris D. Castillo.
-Mason Luan
Kung kanina nangingilid ang luha ko dahil sa sakit ngayon naman dahil sa tuwa. Sinong magaakala ang crush ko pala eh mas crush ako? Hays ako na 'to.
Pagkapasok ko sa room ay biglang may sumabog na confetti, meron din mga balloon na nakadisplay. May nakalagay na 'I like you, Ms. Castillo' sa harapan.
Nagkumpulan ang mga co-members ko at sabay-sabay na nag-'yiee'. Nilapitan ako ni Luan at hinawakan ang kamay ko.
"Di man ako photojournalist, but I can picture you and me together. Pwede bang manligaw, Ms. Castillo?" Sasabog na ata ako sa kilig. Kung pwede nga eh pakasalanan na kita ngayon.
Kaso di pwede kasi may laban kayo next week. Char! Agad akong tumango at yinakap siya.
Marami ata akong good deeds na ginawa noon para pagpalain ako ng isang Mason Luan C. Tan.
The End.