Chapter 1

0 0 0
                                    

"Hmm, napaka ganda mo talaga ija. Hindi ko lubos maisip na dito mo gusto magtrabaho sa mansyon ng mga Vergara." Hinaplos haplos ni Manang Lira ang laylayan ng unipormeng ipinasuot nito sa akin habang pinag mamasdan ako.

"Hindi bagay sa'yo ang unipormeng ito ija. " Dugtong niya, mukhang nadidismaya.

Bakit? Kailangan pa ba ng physical requirements para magtrabaho bilang katulong rito sa mansyon?.

"Manang Lira, saan po ba ang kwarto ko?." Pag iiba ko ng usapan. Magtititigan na lang ba kami rito?. Natawa ako sa aking isipan.

"Ay, oo nga pala." Mukhang natuhan ito sa katititig sa akin. "Halika ihahatid kita sa kwarto niyo." Agap nito sa pagkabigla at hinila ako papasok sa isang silid.

"Hayan, dito ang magiging kwarto mo. Apat kayo dito. Huwag kang mag alala at halos kaedaran mo naman ang mga kasama mo dito. Mag kakasundo kayo." Pinagmasdan ko ang silid. Dalawang double deck na kama iyon maliit lang ang kwarto pero mukhang kasya naman kaming apat ng mga kasama ko rito. Ang apat na kasama ko ay nakahiga na at mukhang tulog na tulog. Bukas ko na lang siguro sila kikilalanin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat Manang Lira. Magpahinga na po kayo." Gabi na rin kasi ng makarating ako sa mansyon. Galing pa akong probinsya namin sa Batangas.

"Oh siya sige, magpahinga ka na rin at bukas na kita ipapakilala kay Don Emmanuel." Ngumiti pa ito at saglit akong pinagmasdan bago tumulak paalis.

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makaalis ito. Sa totoo lang ay labis ang kaba ko pagkatungtong palang sa gate ng mansyon ng Vergara. Hindi ko akalain ng mansyon talaga ito. Akala ko iyon laman ang tawag dahil malaki. Actually, mansyon is not enough to describe how big it is.

Naupo ako sa kamang nakalaan para sa akin. Kaya mo ito Ori, paglilinis lang ito ng bahay, este mansyon pero siguradong sisiw lang ito sa iyo. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I have this pointed nose. Black long hair with its natural curl on the tips, a fair skin. Hindi na masama.

Hinubad ko na ang sinukat kong uniporme at nagbihis ng pantulog.

"One day Ori, magiging maganda rin ang buhay mo." I smiled. Pagod na nga siguro ako kaya hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Be, gising na. Maaga tayo ngayon para sa agahan nila Don Emmanuel. Bumangon ka na riyan." Nagising ako ng maramdamang may yumuyugyog sa akin. Pagod na pagod pa ako gusto ko pang magpahinga pero nang mapagtanto kung nasaan ako ay agad rin naman akong bumangon.

Naka ayos na silang lahat,naka uniporme. Ako nalang ang bagong gising. Tonta! Ori! Unang araw at heto mukhang late ka kahit hindi mo naman kailangang bumiyahe. Napailing na lamang ako sa aking sarili.

Pinagmasdan ko ang dalagang gumising sa akin. Nagtatanong ang mukha nito. Agad akong ngumiti sa kaniya, hindi sigurado kung maayos ba ang itsura ko ngayon pero bahala na.

"Uhm Hi, Ori. Bagong katulong ako rito. Kagabi lang ako dumating, tulog na kayo kaya di na ako nang istorbo."Nilahad ko ang kamay ko, medyo kinakabahan hindi kasi ito ngumiti.

Nakatulala pa ito sa akin. Ibababa ko na sana ang kamay ko ngunit hinawakan na nito iyon.

"Hi, ako nga pala si Ester. Ang ganda mo." Iyon agad ang bungad nito sa akin. Sa itsura ni Ester ay mukhang nasa kalagitnaan pa lamang siya ng 20. Maganda rin at medyo kayumanggi.

"Hi." Pag ulit ko. Ngumiti ito at binitawan na ang kamay ko. Mukha namang mabait.

"Hala sige, magbihis ka na at siguradong papagalitan ka ni Manang Lira kapag hindi kapa nakabihis." Sigaw nito sa akin gamit ang matinis na boses.

TamedWhere stories live. Discover now