"Ija, ikaw 'yong bago 'di ba?" Nagulat ako ng tanungin ako ni Don Emmanuel. Kasalukuyan akong naglilinis sa kusina.
"Ah, opo Don Emmanuel. Ako po si Ori." Ngiti ko sa kaniya. Ngumiti naman ito pabalik.
"May iuutos sana ako sa iyo." Tumango ako at humarap kay Don Emmanuel.
"Gusto ko sanang tawagin mo ako kapag dumating na ang kapatid ko rito maya maya." Ah iyon lang pala. Tumango ako rito.
"Doon lamang ako sa study ko. Salamat ija"
"Sige po Don Emmanuel tatawagin ko po kayo." Tumango ito at umalis na. Pinagpatuloy ko na rin ang pag lilinis dito sa kusina.
Pinagdiskitahan kong ayusin ang mga stocks sa cabinet sa itaas ng lababo kahit maayos naman na ang mga iyon. Para lang may mapagkaabalahan. Inabot ko ito at balak ibaba para mapanusan ang loob. Hindi ko alam kung masyado ba akong maliit o mataas lang talaga ito kaya hindi ko maabot ang nasa dulo.
Sige na nga, maliit lang talaga ako. Napairap ako sa hangin.
Sinisikap ko pang abutin ang mga mga nakapack na pagkain sa loob ng may maramdaman akong katawan sa likod ko. Ang kamay nito ay nakapasok din sa loob ng cabinet. Inabot nito ang mga kukunin ko dapat.
Humarap ako para magpasalamat ngunit nalaglag agad ang ngiti ko ng makitang si Dark iyon.
He's wearing his usual dark face. Staring at me, hindi ko alam kung anong irereact dahil nabigla pa ako. Ngunit ilang segundo lang ay nakabawi na.
"Ah salamat Sir." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Gumalaw ako para makaalis sa pag kakulong sa kaniya gawa ng inabot nito ang pagkain sa cabinet.
"It's just, it's hard to see you reaching that. Ang liit mo pala." Sagot nito. The side of his lips is rising again. I hate it, parang nanunuya.
Ngumiti nalang ako at nag pasalamat ulit. Hinintay ko siyang gawin ang dapat niyang gawin. Tumingin muna ito sakin, may nagpipigil na namang ngiti sa labi at saka umalis na rin.
Anong problema no'n?
Napatingin ako sa hawak kong baso. I'm not wearing my usual red lipstick, hindi naman makapal ang lagay ko noon nung sinabi niyang hindi 'yon bagay sa akin. Hindi na ako naglagay muli.
Napasabunot ako ng mapagtantong baka iyon ang dahilan kung bakit mukhang natutuwa ang madalim na 'yon kanina. I'm not wearing my lipstick, maybe he thought I was affected by his words. Bakit? Hindi nga ba Ori? Oh shut up.
Bakit nga ba nagpapaapekto ako sa sinasabi ng Dark na 'yon? Amo mo lang naman siya Ori. Tss.
Maguwapo nga mukha namang masama ugali. A no no Ori, a big no no.
Dapit hapon ng dumating ang kapatid ni Don Emmanuel dito sa mansyon. Tinawag ko ito sa kaniyang study at lumabas na rin naman.
Hindi pa ako kailanman naka punta sa isang engagement party. Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako naeexcite sa nalalapit na celebration.
Mula rito sa teresa ng mansyon, tanaw ko ang magpipinsang naliligo sa dagat. Kaniya kaniyang babae na sa tingin ko ay mga girlfriend din nila. The sunlounger na malapit sa dalampasigan ay nakaupo ang magkasintahang ikakasal. Si Zoren at Jiselle. Nakaakbay si Zoren kay Jiselle habang kumukuha ng picture sa cellphone.
"Sana ay makatagpo rin ako ng lalaking dadalhin ako sa altar." Hagip ko ng batukan ang sarili sa naisip. Naisip mo pa 'yan ngayon Ori?
Nilipat ko ang tingin sa magpipinsang masayang naliligo. Si Craige ay nagpipicture sa dagat gamit ang kanyang cellphone.