Mr. Dragon: King Of One Night Stand - Introduction/Prologue

1.4K 29 9
                                    

Huminga ako ng malalim at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

'This is it' sabi ko sa sarili ko.

Binuksan ko yung pinto ng kotse at napatingin sa paligid.

Bumungad sakin ang isang 50 storey building. Halos masilaw ako habang sinusundan ko ng tingin papataas ang building na iyon.

"Sure kang ayaw mo kong sumama?" napatingin ako kay JJ. Ngumiti ako ng matipid.

"Ayos na ako. I can handle" sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin.

"Sige. I'll go na" sabi nya. Sinarado ko yung pinto at niwave ko yung kamay ko bilang paalam sa kanya. She started the engine at papaliit ng papaliit yung kotse nya habang umaandar palayo.

Napatingin ako ulit sa building na nasa harapan ko.

Center of attraction ang isang malaking letter D na may nakapulupot na dragon sa pinakagitna ng building.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa building na yun.

Isang sliding glass door ang bumungad sakin.

'Naks. Hightech'

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang mga taong busy na naglalakad patungo sa kung saan. Yung iba nakaabang sa pinto ng elevator at yung iba naman, nagmamadali habang may kausap sa phone.

Sumakay ako sa isang elevator papuntang 49th floor ng building na ito. It took me around 10 minutes bago ako makarating sa 49th floor.

Isang tahimik na lugar ang bumulaga sakin. I stepped out at nakita ko ang isang babaeng busy na nagtatype sa computer nya.

Huminga ako ulit ng malalim at pinakiramdaman ang sarili ko. Napansin ata ako nung babae at ngumiti sya. Tumayo sya at lumapit sakin.

"You must be Ms. Gonzales?" tanong nya habang nakangiti sakin. I smiled back at tumango. She looked at me from head to toe.

Uh...anong meron?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Dragon: King Of One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon