#RHPrologue
February 7, 2009
"Rise and shine soon to be Mrs. Xanders!"
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang aking marinig ang masayang pagbati ng aking mga magulang sakin kasabay na rin ng paglitaw na mataas na sinag ng araw.
"Good morning, Mommy! Good morning, Daddy!" I greeted them and kissed their cheeks immediately.
"Bumangon ka na dyan para magkapagbreakfast na tayo ng Daddy mo dahil mamaya ay darating na ang mga make-up artist at photographers. Okay? I love you, anak," masayang sabi ni Mommy at sumunod na din kay Daddy palabas ng aking kwarto.
"Okay po, Mom! I love you too po!" pasigaw kong sabi upang kanyang marinig sa kalayuan.
Before I proceed to my morning routine, I looked and touched the gold ring with a single diamond that perfectly fits my finger then I closed my eyes and offered my little prayer to the Lord.
"Lord, I am very grateful for all the blessings You have given me and to my loved ones. As I face the new chapter of my life, may You guide me to fulfill the role of a good wife and mother. May You bless our marriage. Give strength to the weak, heal the wounded, and lastly, love the unloved. I ask this in Your Almighty Name. Amen," I prayed and gently opened my eyes.
Matapos kong maligo ay kumain na kaming pamilya sa hapag-kainan. Napakaraming pagkain ang nakahanda na para bang may isang malaking salo-salo ang magaganap. Sa dami ng mga nakakain ko nitong mga nakaraang araw hindi ko na alam kung kakasya pa ba sa akin yung wedding gown na isusuot ko mamaya sa kasal.
Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos kumain para buksan ang aking Messenger account upang basahin ang mga mensahe mula sa mga kaibigan ko at kay Davin.
Una, binuksan ko ang group chat naming magkakaibigan. Hanggang ngayon ay natatawa pa din ako dahil pinagsama-sama namin ang aming mga pangalan upang maging pangalan ng tropa at ng GC namin.
ElSuMaKla has 8 unread messages
marygoround: Hoy nagmamagandang, Ellie! Gising ka na ba babes? Today is your big day! Dalaga no more ka na. Mamimiss ka namin huhu!
sunnysideup: Wag ka na magdrama diyan Inang Maria baka mamaya malungkot yan si baby girl Avery chos! See u later! Love u!
marygoround: Eh bakit ba itlog? Emotional ako ngayon eh.
klare: Ingay niyo mga teh!
marygoround: Kahit kailan talaga si Ate Klare, ang kill joy kaya tignan mo pati sa nicknames 'klare' lang ang nilagay
sunnysideup: Hayaan mo na sis! Alam mo naman ang motto niyan "not ur babygirl anymore"
klare: -_-
marygoround: We love you, Klare! HAHAHAHAHAHAHAHA
Tawa ako nang tawa pagkatapos kong mabasa yung mga messages nila kaya agad naman nagreply sa kanila.
elisi: Kahit kailan ang daldal ng mga kaibigan ko! Kaya love na love ko kayo eh! Mamimiss ko kayo guys, ugh!
marygoround: Huhu please don't make me cry pero sis grabe ka naman maka-'ugh, excited na excited sa honeymoon!
sunnysideup: Go girl! Road to Round 12! Yoohoo!
klare: gross.
I just seenzoned the last message in our group chat and lastly checked the message of Davin.

BINABASA MO ANG
Ride Home (Ben&Ben Series # 1)
General FictionEliana Avery Vergara, a woman who once dreamed of having a happy ending with the man she loved but all of this disappeared when her almost husband, Adryan Davin Xanders, left her in the front of the altar and never showed up after what happened. Bu...