GF Forever

37 0 0
                                    

Clarence's POV

"Clarence, do you take Ryan as your lawfully wedded husband?"

"I Do"

"Ryan, do you take Clarence as your lawfully wedded wife?"

"......."

"I repeat, do you take Clarence as your lawfully wedded wife?"

"......"

"Sumagot ka naman"

"HOY GISING!"

"I DO!"

"Anong I do? Wag mong sabihin nananaginip ka na kinakasal ka? Sino naman ang malas na lalaking mapapangasawa mo?" Pang aasar nito sakin

"Hoy! Ang aga aga anong ginagawa mo dito?" Asar kong tanong dito kay Ryan

"Samahan mo ko, makikipag break tayo" sabi nito at tsaka ako hinagisan ng unan sa mukha

"May paiiyakin ka nanaman ang aga aga" naiinis kong sabi dito at tsaka ibinalik sa kanya ang unan

"Ayaw mo yun? Edi solo mo nanaman ako" ngumiti ito at tsaka tumayo "Magbihis ka ng maganda ah? Para naman maniwala si Liza na tayo talaga" matapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya

Yun? Yun ang bestfriend kong si Ryan. Mortal enemy kami simula kinder at naging best friends naman kami simula grade one. Ako? Ako nga pala si Clarence, ang martyr na best friend ni Ryan. Crush ko siya simula grade six kami at ngayon college na kami? Mahal ko na siya. Wala akong balak sabihin sa kanya dahil ayokong mawala siya sakin kaya naman mas okay na rin na ganito lang kami.... Ako ang forever GF. Girl na FRIEND.

"Hoy bilis!" Sigaw nito mula sa labas

"Oo na!" Sigaw ko dito at tsaka ako pumasok sa banyo para makapag ayos na at nang makapag break na tong si Ryan sa girlfriend niya

***********
<PARK>

"Oh? Asan na ang maganda mong girlfriend?" Tanong ko kay Ryan

"Ayun oh" turo niya kay Liza

"Sigurado ka ba na makikipagbreak ka sa kanya?" Tanong ko kay Ryan

"Cla, suportahan mo na lang ako please?" Sabi nito at tsaka ako hinila papunta kay Liza

Ganito ang ritual namin nitong lalaking to. Tuwing magsasawa na siya o may hindi magandang nakita sa girlfriend niya, ako ang ginagawa niyang dahilan para hiwalayan siya ng mga to.

Masaya naman ako kapag nakikipag break siya. Kasi nasosolo ko nga naman siya sa mga lakad namin at sa atensyon niya. Kaya naman okay lang na may fansclub... Wait, more on Hateclub pala ng mga ex niya.

"Babe" nabiglang tawag ni Liza dito kay tisoy

"L-Liza" acting naman nitong si Ryan

"Ano ginagawa mo dito?" Nagtataka pero naka ngiting tanong sa kanya ni Liza

Sa totoo lang mabait naman si Liza, kaya lang hindi ko talaga minsan maintindihan kung bakit palagi na lang ganito si Ryan. Siguro tama sila na first love never dies?

"I.. I'm with... Clarence" sabi nito at tsaka ako inakbayan "Na realize ko na... Mahal ko siya" sabi nito at tsaka hinawakan ang kamay ko

Wish ko lang sana totoo ang sinabi mo. Kaya lang acting lang. Kung sinabi mo to noon siguro nagtatalon na ko sa saya. Sana ako na nga lang talaga ang first love mo kaya lang first enemy mo lang ako.

"Seriously?" Natatawa pero naiinis na tanong ni Liza kay Ryan

"I'm sorry, Liza pero nagmamahalan kaming dalawa" sabi ni boy actingero at tsaka lumapit kay Liza pero agad naman siyang tinulak nito palayo

"No" Sigaw nito kay Ryan "Minahal kita! And I trusted you! Pero ito lang ang igaganti mo?! Go to hell! Both of you!" Sigaw ng galit na galit na si Liza at tsaka tumakbo palayo samin

"Ang aga aga nagpaiyak ka" sabi ko dito at tsaka siya binatukan

"Cla, thank you!" Sigaw nito at tsaka umakap sakin "Malaya na ko!" Sigaw nito at tsaka ako inakbayan "I owe you one kaya mamayang gabi! Treat kita okay?" Ngumiti ito at tsaka ginulo ang buhok ko





At yun ang ending ng pagmamahalan namin.... Di man lang nagtagal ng isang oras. Hay buhay nga naman.






"Kailan ka ba magtitino?" Tanong ko dito





"Ako? Matino naman ako ah?" Nagtatakang tanong nito sakin





"Sinong niloko mo? Pwede ba" sabi ko dito at tsaka ako naglakad palayo sa kanya





"Cla! Thank you talaga ah!" Habol nito sakin at tsaka ako inakbayan





"Hoy, sabi mo lilibre mo ko" paalala ko dito





"Yun ba? Wala pa ko pera eh" natatawa nitong pag amin sakin "Punta ka na lang sa bahay namin may luto si mama" sabi nito at tsaka ngumit sakin






Alam na alam talaga nito mga gusto ko eh. Lalo na yung masarap na luto ni tita.





"Cla, punta ka ah?" Pag uulit nito at tsaka tumakbo "kita tayo mamaya ah?!" Kumaway ito at tsaka nagsimulang tumakbo




Baka pupuntahan niya yung bago niyang pinopormahan. Hanggang kailan kaya ganito tong lalaking to? Magbabago kaya siya kapag nakita niya na yung first love niya? Wag na pala. Ok na pala na ganyan siya... Selfish ko no? Mahal ko eh.

.

WELCOME TO MY LIFE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One by Giustina93Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon