Prologue

38 6 0
                                    

"Chorus!, Naibigay na ba sa'yo yung list ng itutugtog natin sa gig?"

"Hindi pa, Ang sabi sa'kin ni Manager ise-send niya nalang raw sa gmail ko."

Magkakaroon kami ng gig this coming Saturday, and ang nakakainis, hindi pa nabibigay saamin yung setlist, paano namin ipo-polish yun?

Umupo nalang ako sa couch dito sa studio namin at pinalitan ang strings ng electric guitar ko. I also checked my gmail kung naisend na ba saakin yung setlist. As I expected, wala pa.

"Alam niyo, kating-kati na ako hampasin 'tong drums na 'to."

"Alam mo Max, kaunti nalang talaga sasakalin na kita, g na g ka tumugtog ngayon, tapos pag seryoso na 'di ka magtitino?" Sagot ni Kaye.

I laughed at them, totoo naman kasi. Everytime na kailangan na namin magseryoso, Max, our drummer, always joke around at lagi rin siyang pinagsasabihan ni Kaye, Acoustic Guitarist namin.

Ang sarap batuhin ng ampli.

Napalingon kami sa pintuan nang biglang dumating si Eryn, our pianist, with some foods.

"Look what I bought, girls!"

"Chicken nanaman?! Lilipad na talaga tayo nito." Reklamo ni Harriet, basist namin.

"Wow! Grabe ka naman madam! Ako naman nagbabayad nito, edi 'wag kang kumain!"

"Ingay niyo! Natutulog ako sa taas, rinig hanggang doon sigawan niyo! Akin na nga 'yan!" Sabat ni Zay, our composer sabay hablot ng paper bag kay Eryn.

"Aba! Ang kapal talaga ng mukha mo, akin na 'yan!"

Sa idinami-dami ng marunong tumugtog ng instrumento, mga siraulo pa naging ka-banda ko.

Lord, final na po ba talaga 'to?

Napatigil ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko.

"M-Ma'am Chorus, si Tyler po.. Nasa hospital."

"What?! Saang hospital? Pupunta ako!"

Kinuha ko ang bag ko at hindi na nakapagpaalam sakanila bago ako umalis.

"Chorus! Oh my gosh!, Where are you going?!"

Hindi ko sila pinansin ay dumeretso lang sa pagtakbo.

Sumakay ako ng Taxi at sinabi ang location ng hospital kung nasaan ang kapatid ko ngayon.

Nang makarating ako, nakita ko si Tyler na may dugo sa may ulo at walang malay.

"Who the fuck did this to my brother?!"

"Calm down, Chorus!"

"Mom?! Are you serious? Paano ako kakalma? Si Tyler walang malay oh?!"

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng panghihina.

Tangina..

"Oh my god! I said calm down!"

Lumapit saakin ang isa sa mga nurse at inalalayan ako hanggang makarating sa upuan.

"I'm okay, But please-"

"Nahulog siya sa hagdan!"

Ang bobo mo talaga Tyler..

"What?"

"He fell down from the stairs, Chorus."

Tangina? Iniwan ko yung banda ko dun para sa siraulong 'to?

Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam kay Mommy na may rehearsals pa kami.

Nag book ako sa angkas dahil hindi kakayanin ng oras kapag naghintay pa ako ng taxi. Wala pang five minutes at dumating na yung maghahatid sa'kin, and he's with a Guitar? Okay.

"Where?"

"Huh?"

"Uhh, the destination, Miss?"

What the hell? Seryoso? He's rude.

Sinabi ko sakanya yung address ng studio namin, and out of curiosity..

"What kind of guitar is that?"

"Electric." he replied.

"Ohh, so you play guitar too?"

"No, my dog does."

Putangina.. bakit ang sama ng araw ko ha?

Wala pang ten minutes, nakarating na kami agad sa studio, and kukuhain ko na dapat ang wallet ko para magbayad sakanya, kaso biglang..

"Number?"

Did he just asked me for my number?

"Why would I give it to you?"

He bit his lip to stop himself from laughing.

"I mean.. the code, pay me through this." He said while pointing to his Iphone 11 pro max.

Bwiset 'to ha?! Kanina pa 'to nangga-gago!

"Pinagtatawanan mo ba ako?"

"No, Assuming ka lang talaga." He replied with the annoying look on his face.

Parang? Ang sarap pumatay?

Binigay ko sakanya yung isang libo sa wallet ko at agad na naglakad palayo sakanya.

"Yung helmet miss! It's not mine!"

Gusto ko nalang magpalamon sa lupa..

Agad kong tinanggal ang helmet na 'di ko alam na nakasuot pa saakin at hinagis 'yon sakanya.

Putangina, bakit nasalo?

"Nice.. thanks!"

Agad niyang pinaandar ang motor.. at tuluyang nawala sa paningin ko.

"Hoy gaga! Sino yung poging yun?! Mukha ring mayaman! Harley Davidson yung motor!" Sigaw ni Max mula sa bintana.

Omg.. the one-million dollar Harley Davidson? Bakit 'di ko napansin?!

"Shut up! I don't know him!"

Who is that?

Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon