Sunday. Maulan. The perfect time to brew a french roast coffee with silky cream and nutty sweetness along with its smell. In short, Kopiko Blanca. Ewan ko ba bat ako laging attracted sa kapeng ito. Something in it makes me want to crave for more. Di ko afford kape ni Heart Evangelista. I pity my ugly broke ass.
It's hard to read during a sunny day kaya naman mas natutuwa ako kung laging bumabagyo o umuulan. The sound of it makes me calm down. At isa pa, more realizations hit you dahil mas mahaba ang time mo makapagmuni-muni.
I opened my tv only to find out na mas dumoble ang bilang ng mga positive cases ng COVID. Nakakasawa na lagi na lang ang pandemic na to ang laman ng balita! Marami din naman gumagaling keysa sa namamatay pero it's still something not to be thankful about.
When will this shit end? Wala na akong pera!
Paulit ulit kong kini-click ang loading button saking laptop to refresh the university's website kung included ba sa listahan nila ang pangalan ko sa mga pasado sa exam. Mas nakaka-kaba pala ito keysa sa sumakay sa vikings.
Paano kung di ako makapasa?
Anong sasabihin sakin ni daddy?
Paano na ako sa future?I can't stand another reprimanding moment with my dad on how improving my failure is. Hindi success kasi wala naman sa lahat ng achievements ko ang nagustuhan niya.
I lost my mom at an age of 10. She was diagnosed with leukemia. Kaya sa murang edad natuto akong alagaan ang sarili ko, tumayo para sa sarili ko, at igapang ang sarili ko sa lahat ng pasakit na pasan sakin ng mundo dahil mag-isa lang ako sa buhay nato. I have my dad pero anak niya lang ako kapag may gusto siyang ipagawa sakin.
My dad owns an Aeronautics Research for astrobioligists based on America. It's named after my mom, Carson. It was booming dahil na din sa nagtandem ang dalawang pinaka-magaling na astrobiologists- ang mommy at daddy ko.
Their last research before my mom died was the existence of parallel universe. Walang naniwala sakanila dahil iniisip ng iba ay imposible ito. My dad continued the research without my mom. It was hell for my dad when he lost my mom at hanggang ngayon impyerno pa din dahil lagi siyang disappointed sa nag-iisa niyang anak.
More realizations dawned at me ng biglang magring ang phone. Si dad pala ang tumatawag.
"Dad... kamusta po?"
He sighed before he spoke. "Ikaw ang dapat kamustahin ko. May pag-asa bang makapasa ka sa exam?"
"Dad meron naman po siguro. P-pero d-dad if I fail, can't I just be a j-journalist? M-marangal din naman po iyon."
I heard his heavy sigh, halatang nagpipigil ng galit. "Diba we talked about this Ceciliana? Hindi ba't malinaw na sayo hindi nga pwede ang pangarap mo?" Ita-try ko pa din siyang kumbinsihin. Maybe he'll.... listen. Just maybe.
"P-pero dad, hindi ba't I should follow my-"
"P*tangina if I tell you to be an astrobiologist, yun ang ipagtatapos mo! Anong makukuha mo dyan sa pagsulat sulat mo? Wala kang future dyan! Quit that dream of yours or quit in this family!", walang puso niyang sabi nefore ending the call.
Hindi ba ako mabibigyan ng pagkakataon na maging masaya sa pagpili ng mga gusto ko?
If only mommy's still alive.
Hindi ko man masabi sa kaniya ngayon pero deep inside I know that I failed the exam. I studied a lot and prayed too but I know that something's missing still. It was my heart. My heart wasn't in the right place so it wasn't functioning well. Iba pa din talaga pag binuhos mo ang lahat ng kaya mo sa isang bagay hindi dahil pinilit ka, kundi dahil ginusto mo.
YOU ARE READING
The Parallel Between
FantasyStuck during the pandemic wasn't enjoyable for Ceciliana Sandoval, a pursuing astrobiologist whose plans was to just get through each day whether she enjoys or not. She was blank minded most of the time because of her very controlling father. Clearl...