Chapter 2

8 1 0
                                    

Nakapasok ako sa tatlo na dimension. I jumped off from one dimension to another. First off I was dropped to a more advanced era, where holographic phone calls now exist. I fell out of place dahil wala pa naman tayong ganun. The second one was 1900's era. The third one is so weird dahil nasa panahon ako ng Holocaust kaya umalis ako agad. At ang pang-apat na pintuan ay dito ako dinala. Kumpara sa tatlo, eto ang pinaka-dabes.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. I looked around my room and tried to process everything. Until now I still can't believe it. Our research is a success! If only Carlo is here with me, I know he'll be ecstatic.

I stood up from my bed and looked around the pictures hanging on the wall. Merong baby pictures at meron yung isang naka-toga at may hawak akong diploma. Ano kayang natapos ko dito sa mundong to? Naging journalist kaya ako dito?

Nahagip ng mata ko ang limang cookbook sa lamesa. Andun din ang cellphone at isang receipt na sa tingin ko ay mula samin. Sa tabi ng cellphone ay isang nameplate.

Ceriana Estabillo
Manager

"Ceri! Gising na tanghali na!", sigaw ng isang pangmatandang babaeng boses. It reminds me of the voice of my mother. Posible kayang buhay pa siya sa dimensiong ito? Si daddy? Buhay din kaya?

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan at sinundan ang mga boses na nanggagaling sa kusina. Naabutan ko ang likod ng babaeng nagaayos ng mesa. Likod pa lang ay alam kong nanay ko na ito.

As she turned around to face me, my jaw dropped. It is really my mother. Buhay na buhay ang nanay ko sa dimension na ito. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Matagal tagal na din simula ng mayakap ko ang aking ina.

"O a-anak! Bakit?", my mother confusingly asked. I faced her and shaked my head. She motioned me to seat in front of people whose faces were shocked by what happened. Nang umalis ang nanay ko ay tinanong ako ni Mheg kung bat ko siya niyakap. Hanggang dito ba naman ay kasama ko pà din siya? Kaya lang napansin ko na boyish siya manamit dito. I can't wait to tell her na ganito siya umasta sa mundong ito.

Nagsasandok na si Divan ng sinangag habang si Lax naman ay kumukuha ng hotdog. Malapit lang ang banyo sa kusina kaya naririnig kong may naliligo doon. Kukuha na din sana ako ng pagkain ng bigla akong siniko ni Mheg.

"Bati na kayo?", sabi niya habang punong-puno ang bibig ng scrambled egg. Pati ba naman dito walang manners pa din tong babaeng to?

"Anong bati sinasabi mo? Ayusin mo nga kumain Mheg.", inis kong sabi sa kanya. Agad naman siyang napatingin sakin at takang-taka ang itsura. Bigla niya naman akong binatukan at tinignan ng masama.

"Anong Mheg? Mikyle tanga! Sinong Mheg? Nanaginip ka pa ata.", sabi niya at humigop sa kape. Nakita ko naman ang pagpipigil na tawa ni Divan at Lax samin. Tinignan ko sila ng masama.

Huli na nung naalala kong iba nga pala ang pangalan niya dito. Hindi Mheg, kundi Mikyle. Ano kaya kila Divan at Lax? It'll be weird if I ask them randomly kung anong pangalan nila lalo na't halatang matagal na silang magkakasama dito ng katauhan ko.  Buhay na din kaya si Leianne? O baka naman malaki na si Leianne? I should check it out later.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa pinaka-baba. Ang bahay namin ay 3-storeys. Sa pangatlong palapag ay kwarto, sa pangalawa naman ay sala at kusina, habang ang nasa pinakababa ay titignan ko pa lamang.  Naabutan ko si mommy na nag-aayos ng mga upuan at pinupusan ang ibang lamesa. Based on how it looks, we are running a restaurant.

Ng matantong wala akong ginagawa ay kumuha ako ng walis at winalisan ang mga ilalim ng lamesa. Nahagip ng mga mata ko ang nagtatakang tingin sakin ni mommy. Tinignan ko siya pabalik pero iniwas lamang niya ang tingin niya. I shrugged it off and continued sweeping the floor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Parallel BetweenWhere stories live. Discover now