The Guardian Angel

2 0 0
                                    

Amber

Hindi ako umuwi sa residential area na tinutuluyan ko pagkatapos ng agahan ko sa mga Avelino, kundi sa condominium ko dito sa Manila. Pagkapasok ko ay nakita agad ako ni Mommy, Daddy at ng pinsang kong kausap ko kanina.

"Hey baby!" Nakangiting bati sakin ni mommy.

Humalik ako sa pisngi nila ni daddy at dimiretso muna sa kwarto ko para magbihis.

Siguro naguguluhan kayo kung paano ako sinusustentuhan ni Ma'am Servilla kung mayaman naman pala kami. Well ganto kasi yun. My parents are also private agent, sa kagustuhan nilang wag akong madamay sa gulo ng buhay nila ay iniwan nila ako sa Orphanage na si Ma'am Servilla ang nagpapatakbo. Lupet no? May mga magulang ako pero iba bumuhay sakin. Well, hindi naman ako galit. Kilala nila mommy si Ma'am Servilla dahil kaibigan nila ito. Katulad ko ay dating mafia din mga Servilla, nawala nga lang daw sila sa pagiging Mafia ng magpakasal sya sa Avelino, Oo, sila Mayor Nathaniel Avelino ang tinutukoy ko, kaya nga halos nataranta ako ng sabihin nyang namumukhaan nya ko. Hindi ko kilala ang mga anak nila. Sa Ibang bansa na daw lumaki at nag-aral ang mga ito. Sa katunayan ay ngayon ko lang nakita sila Thunder at Storm. Masyadong kakaunti ang information ng pamilya Avelino, ang kadalasang makikita mo lang dito ay ang pagiging mabait at matinong politika ang asawa ni Ma'am Servilla.

Bago mamatay si Ma'am Amethyst ay pinangako kong babantayan ko ang asawa nya, lagi nya kasing kwento sakin kung gaano nya ito kamahal at ang mga anak nya. Kaya pinagbutihan ko sa pag-aaral para hindi masayang ang mga naibigay nya.

Sa dami ng may galit sa pamilya Avelino ay hindi mo ito mabibilang sa daliri, ang iba pa nga dito ay kasali sa organisasyong hinahawakan ko. BLACK DIAMOND ORGANIZATION, ang pangalan ng kinabilangan ko. Ayon sa history ng org na ito ay tinawag itong BLACK dahil sa mga illegal na gawain at DIAMOND dahil, bawal kang sumali kung wala kang trilliong trilliong pera sa bulsa mo. Mayroon 10 pinuno ang org, at ako ang pinakamataas. Pano ako naging Leader o pinakamataas na pinuno? Well, ako mismo ang pumatay sa pinalitan ko. At kung tungkol naman sa pera? Yung pera ng taong pinatay ko ay sakin napunta. May mga batas sa organisasyon na ito.
1. Walang sinuman ang pwedeng magbanta sa mga pinuno ng organisasyon. Unless, palihim mong gagawin yun at hindi ka nila makikilala.
2. Kapag ikaw ang nakapatay sa isang miyembro ng organisasyon ay sayo mapupunta ang posisyon nya. At ang perang meron ang pamilya nila.
3. Walang pakialam ang mga miyembro kung isa kang sindikato o hindi, pero mas pabor sila kung kasapi ka nila sa illegal na gawain.
4. Bawal isiwalat ang impormasyon ng organisasyon sa mga taong hindi kasapi nito.
5. Kapag ikaw ay nagtraydor, ay umasa kang papatayin ka ng kahit sino sa mga pinuno ng organisasyon.

Ang sampung pinuno naman na bumubuo sa organisasyon na ito ay ang mga:
1. Montecarlo (spade)
2. Saavedra (scorpion)
3. Collins (dragon)
4. Ignacio (snake)
5. Yudai (Samurai)
6. Cleofe (arrow)
7. Ferrer (axe)
8. Ambruse (Knife)
9. Ty (Hammer)
10. Chua (Gun)

Ang mga Saavedra ang pangunahing may galit sa mga Avelino, sya daw kas dapat ang pakakasalan ni Ma'am Servilla pero si Sir Nathaniel ang pinili nito, kaya ganun nalang ang galit nila dito. Dahil sa kapangyarihan ng mga Saavedra ay nahikayat nila ang mga Yudai, Ferrer, Ignacio, Cleofe at Chua na tulungan sya sa pagpapabagsak sa mga Avelino.

Sadyang hindi nga lang nila mapatay patay ito dahil sa taong nagpoprotekta dito, AKO. Patay na sina Yudai at Cleofe. Ako na pumatay kay Yudai, pero hindi ko matukoy kung sino ang pumatay kay Cleofe. Dahil sa pangyayari ay mukhang nakakatunog na ang mga Saavedra dahil pinasundan na nya ako sa mga tauhan nya. Ngunit wala syang makuhang patunay na ako ang may kagagawan ng pagkamatay ng 2 pinuno dahil isa pa lang ang napapatay ko at ibang mga tauhan ko ang pinapakilos ko. Ang organisasyon ay may simbolo sa bawat pinuno. Spade na may korona ang simbolo ko, spade na plain naman para sa mga taong nasasakupan ko. Bawat pinuno at may numero, sa gitna ng simbolo, pagpapakilala sa kung anong grupo ka nabibilang at pangilan ang posisyon mo.

Sa bawat lakad ni Sir Nathaniel ay nakabuntot lagi ang 5 sniper, 5 bomb specialists at 5 civilian bodyguards na nagbabantay sa kanya ng palihim. Ang pinsan kong si Arteo ang bahala sa pagcontrol ng mga cctv, o kahit na anong gadgets pa ito. Professional hacker at professional programmer ang pinsan ko, sila mommy at daddy ang nagtrain sa kanya kaya kampante ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay busy pa din ang pinsan ko sa kakalaro sa PS4, habang sila mommy naman ay tutok sa netflix.

"Kelan kayo dumating, My?" Tanong ko sa kanila.

"Kagabi, iha. Kaso wala ka naman pala dito." Sagot ni daddy.

"Sorry, alam nyo namang mana ako sa inyo." Pairap na sagot ko habang natatawa.

Ayaw na ayaw nila mommy na maging agent din ako, pero paano? Luge ako pag ako binalikan ng mga trinabaho nilang tao, kaya nag-aral ako ng iba't ibang martial arts at paggamit ng baril.

"Hahaha silly, by the way, kamusta na ang trabaho mo?" Tanong naman ni mommy.

"As always, stress! Pero okay lang, worth it naman gastusan ang mga bata sa orphanage." Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Mabuti naman, wag mong pabayaan ang sarili mo. Mag-asawa kana kaya?" Tanong naman ni daddy.

"Dad, alam nating lahat na magulo buhay ko, baka maagang mabyudo ang mapapangasawa ko hahaha." Natatawang sagot ko.

"E boyfriend wala ba? San ka nga pala natulog kagabi kung wala kang pinagkakaabalahan ngayon?" Nakataas ang kilay ni daddy na tanong sakin.

"Sa boyfriend nya tito, may sakit kasi kagabi kaya pinatawag sya ng pamilya ng nobyo nya, sya daw kasi ang hinahanap" natatawang sagot naman ni Arteo na busy pa din sa Ps4.

Kinuha ko isang unan sa sofa, at ibinato sa kanya.

"Tanga, hindi ko boyfriend yun, tinulungan lang ako." Sagot ko.

"Matanda ka naman na Celestine, desisyon mo yan kung mag-aasawa ka na or hindi." Natatawang sabat ni mommy.

"Bat feeling ko binebenta nyo ko?" Takhang tanong ko.

"Ganun na nga, may ipapakilala kami sayo ng daddy mo, baka magustuhan mo sya." Nakangiting sagot ni mommy.

"Labas ako dyan, mommy mo lang ang makulit." Dipensa ni daddy.

Ganto ang mommy ko, sinasabi nyang nakasakin ang desisyon ko sa buhay pero may nakahanda na yang fiancé para sakin.

"Saan? At anong oras?" Tanong ko kagaad.

Madali lang naman makipagmeet, hindi naman ako interesado, pinapakilala ako ni Mommy para daw marami akong choices na pagpipilian. Sayang daw kasi ang lahi.

"Sa Shangrila Hotel sa BGC, 7:30 PM this Wednesday, wag kang malelate." Sagot ni mommy.

"Okay! I'll be there." Yun nalang ang sagot ko at nagpaalam na muna akong maliligo dahil gusto kong mag-bar ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black Diamond OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon