Thunder
"MAYOR! MAYOR! MAYOR!" Sigawan ng mga tao sa harapan ng entablado. Pinupuri nila ang nanalong Mayor dito sa Taguig. Ang daddy ko.
I am Thunder Avelino, 28 years old. Graduate ng Criminology sa Canada. I have my twin brother Storm Avelino. Graduate naman sya ng Doctor.
Our mom died, when we're 15 years old, because of leukemia. Junior high school palang kaming dalawa ni Storm nun, kaya kinuha nya ang pagdo-doctor at pagpo-police naman ang sakin. Nag criminology ako dahil nasa politika ang daddy namin, uso ang pagbabanta sa buhay nya.
Nathaniel Avelino, ang pangalan ng daddy namin. 53 years old. 15 years nang naglilingkod sa mga tao, at halos 15 years naring may death threat syang nakukuha dahil dito. Kilala ang ama ko sa pagsugpo ng mga illegal na gawain. Kaya eto sya ngayon, tinitingala ng mga tao sa harapan namin.
"Maraming salamat mga kababayan ko! Sa loob ng labinlimang taon ay sabay sabay nating nasaksihan kung paano umunlad ang ating bayan. Sa kabila ng mga hadlang ay nagawa nating mapalago ulit ang ating lugar. Lahat ng iyon ay dahil sa pagtitiwala ninyo sa akin at sa ating mahal na Panginoon. Ipinapangako ko at makakaasa kayo, na patuloy nating pauunladin at pagagandahin ang bayan nating minamahal." sabi ni Daddy sa mga tao.
Hindi mawala ang palakpakan, at mga ngiti sa kanila. Walang paglagyan ang pasasalamat ng karamihan sa aking ama, at ganun din kami sa kanila.
"T, bisita tayo kay mommy pagkatapos nito! Ayain natin si Daddy!" bulong ni Storm sa akin, sa dami kasi ng tao ay hindi talaga kayo magkakaintidihan ng kausap mo kung hindi nya ibubulong or isisigaw.
"K, sabihin mo kay Daddy!" Bulong ko din sa kanya.
"Anong pinagbubulungan nyo dyan?" Sabat naman ni daddy, na hindi manlang namin namalayang dalawa.
"Dad! Let's visit, mom. She will be happy if she hear this from you." Storm replied.
"Sure, kiddo! Tagal na din nating di nakakabisita sa mommy nyo hahaha, baka multuhin ako." Natatawang sagot naman ni dad.
"Mag-asawa kana kasi ulit!" Nakangising sagot ko naman.
Agad naningkit ang mga mata nya. "Bakit hindi kayo ang mag-asawa? Bente otso na kayo pero kahit girlfriend ay wala! Puro lang pagpaparaos ang ginagawa nyo, kelan nyo ko balak bigyan ng apo?" Seryoso man ang mukha ay halata naman ang pagbibiro sa mga sinasabi nya.
"Dad! Hanggat nasa politika ka ay hindi kami makakapag-asawa ni T! Daming may galit sayo remember?" Seryosong saad naman ni Storm.
"Tsaka, gusto ko yung katulad ni mommy. Hindi basta bastang babae lang, Pa!" Sagot ko naman sa kanya.
"HAHAHAHAHAHA kalma, seryoso na kayong dalawa. Tara na, pumunta na tayo sa mommy nyo, baka inaantay na tayo" agad naman kaming napangiti ni Storm. Ganto lagi si daddy! Lahat ng achievements nya sa buhay, si mommy pa din ang dapat nakakaalam.
Agad kaming sumakay sa Van at dumiretso sa simenteryo.
Sa Heritage Park nakalibing ang Mommy namin. Gusto naming magkapatid na ipa-cremate si mommy pero ayaw ni daddy, yun daw kasi ang habilin sa kanya ni Mommy. Simula ng mamatay si mommy hindi na ulit nag-asawa si daddy. Sabi nya wala daw makakapantay sa pagmamahal ni mommy.
Well! Ganun din naman kami, buti na nga lang at lagi kaming nasa tabi nya kaya hindi sya nabuburyo sa buhay nya. Nakalagay si mommy sa isang Museo. AMETHYST SERVILLA-AVELINO, sa taas ng puntod nya ay nakalagay ang picture nyang mag-isa, akala mo'y buhay na buhay at nagshoshopping sa kung saan.
"Hello mom!" Nakangiting bati ni Storm sa kanya, sabay sindi ng kandila.
"Honey! Mayor na asawa mo, proud ka ba ulit sa kapogian ko?" Pagmamalaki naman ni daddy sa kanya.
BINABASA MO ANG
Black Diamond Organization
AksiyonIt is a battle for all the leaders. Everyone wants to have the spotlight. Are they capable enough?