Chapter 4: Cafeteria

46 17 0
                                    

Life behind lies

"It's not about the lie they make, its about the lie they think is the truth"

"You can start answering now!!"

As if on cue everyone flip their answering sheet and start to fill up the information needed at the top as well as answering.

Ang kaninang puno ng bulungan at ingay ay napal'tan ng katahimikan.
Walang nagtangkang bumasag nito.

Ramdam ang kaba at tension kung pagmamasdan ang bawat isang nag sasagot. Lahat ay nakafocus sa kakarampot na papel na nasa harap ng bawat isa. Papel na kung saan nakasaalang alang ang kagustuhan ng bawat isa: ang makapasok sa espisyal na seksyon, walang limitasyon bagkus ay puno ng magagandang opurtunidad.
Kahit na sino ay masisilaw at mag nanais na mapabilang.

I look at my test paper and scan the whole page. It was the same as what I have here in my phone. 150 items and all are situational.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kapwa ko studyanteng wala ng ibang pakialam sa paligid at ang buong atensyon ay nasa papel na lamang.

Dalawang dipa ang layo ng bawat isa para maging imposible ang pangongopya. Sa bawat dulo ay merong faculty member na tahimik na nagbabantay.
Kung hindi ako nagkakamali ang mga gurong kasali sa pag babantay dito ay ang mga guro ng mga studyanteng nasa Class A.

Tinawag ang section na 'yon as Class A ayon na din sa kagustuhan ng mga gurong ito. Nais nilang malaman ng bawat isa na oo at iisa ang rason kung bakit sila dito nag aaral pero dapat alam parin ng lahat ang level ng bawat isa. Ang pagkakaiba ng bawat isa. Ang Class A student ang pinakang angat sa lahat. Ang mas pinapaburan.

Muli kong ibinalik ang atensyon sa sariling papel. Sinimulan kong fill upan ang mga inpormasyong hinihingi sa parting itaas.
Matapos ay saka nagsimulang sagutan ang mga tanong.

Pamilyar na ako sa mga tanong kaya kumpara sa iba ay ilang minuto o sigundo lang ang tinatagal ko sa bawat tanong.

Napatigil ako sa pag sasagot nang maalala ang babaeng nakita ko nakaraang gabi. Hindi ako nag kakamali na si Venitte yun. Malakas ang kutob ko.
Infact Ivan already confirmed that it was Vinette, though he don't exaclty saw her face but the description I gave him helps to identify her identity . That girl is the girl I am looking for, but I don't know where exactly she's hiding. She's not even on the list of student. Someone surely helping her to hide herself but who and why?

Ipinagpatuloy kong muli ang pagsasagot.
I mark five numbers where I'll put the wrong answer at pagkatapos ay saka ipinagpatuloy ang pagsasagot.

Halos dalawang oras na ang nakalilipas pero wala paring nagtatangkang magpasa ng papel, we only have 20 minutes left to finish this test. Inilapag ko ang ballpen sa taas ng lamesa at muling tiningnan ang mga studyanteng busy padin. May iiilan na nakaupo na nang maayos at tila tapos na sa pagsasagot, samantala may iilan naman mababakas parin ang pagkalito habang nakaharap sa papel.

"20 minutes left" sigaw ng gurong nakaupo sa harapan gamit ang isang maliit na megaphone. Katabi ito ng homeroom teacher namin na naghihintay ng papel na ipapasa.

Itinago ko na ang ballpen na ginamit sa bag at saka isinabit sa kaliwang balikat. Kinuha ko ang test paper na nakataob sa table at saka nagtungo sa unahan kung saan nakaupo ang homeroom teacher namin.

Ilan sa mga studyante ang naagaw ang atensyon nang pumunta ako sa harap at saka nagmadali na ding magsagot.
Inilapag ko lang ito sa lamesa at saka naglakad pabalik papuntang exit.

May ilan na ding nagsitayuan at naglakad patungo sa harap.

I go straight to the building placed at the back of this building.

Life behind Lies [On Going]Where stories live. Discover now