Chapter 2

194 11 1
                                    

Brace POV

"Oy mga bro, ang tagal naman ng Prinsesa natin HAHA"  abnormal na sabi ni Ryle

"Sus, syempre pa bebe muna yan noh"  sabat ni Nathaniel 

"Woah ha? grabe naman sya mag pabebe . First subject di pumasok. " sagot naman ni Nash

"Eh baket, wala naman tayong teacher eh." sagot din ni Zaijan

"Maski na noh, eh Bakit si Joaquin, di pa rin naman sya pumapasok ah." epal ni John

"Sus, Di pa kayo nasanay kay Joaquin? Alam nyo namang tuwing first day late yun eh parang si Grae  "  Sagot ko.

Abnormal tong mga Classmate ko hinintay ba namang dumating yung Classmate naming babae, btw
I'm Brace Henry Garcia. 17 yrs. old . Dancer, Basketball player, Singer. Syempre Gwapo , Matalino Tinaguriang Mr.Dimple kasi nga sobrang lalim nung dimple ko sa pisngi both Side.

Grabe noh? sobrang sabik nila sa babaeng classmate. know why? kasi simula nung 1st year hanggang 3rd year wala kaming classmate na babae. Ewan ko nga kung bakit puro lalaki yung matalino dito sa school na to eh but not anymore kasi ngayon may Magiging muse na rin kami at ka kompetensya swa na kasi kaming mag disguise, tuwing may program kasi kailangan ng muse and escort eh wala kaming girl na classmate kaya no choice kami tapos kami kami lang din yung naglalaban laban nakakasawa na kaya . 
Buti na nga lang may Babae na sa amin pero Good luck sa kanya. Makaya nya kaya yung kapilyuhan ng Section namin? Kawawa naman sya. Pero sa mata ng iba swerte sya haha Tsk. Tsk. Tsk.

Biglang tumahimik yung Class room. napatingin ako sa pinto
here she is. our Lucky Girl HAHA.

Scarlet POV

Andito ako ngayon sa C.R , di ko alam kung papasok pa ba ako eh.. Natatakot ako! baka kasi mamaya pag labas ko sa C.R Kuyugin ako ng mga ka School Mates ko! Di na nga ako naka attend ng Fisrt Subject ko eh. paano ba naman hinabol nila ako,eh tanging C.R lang yung pag-asa ko. Pero feel ko parang wala ng tao sa labas .
Lumabas na ako ng c.r tumingin tingin muna ako sa paligid ko 
Wooh! buti na lang wala na sila. makakapasok na rin ako!  Hinanap ko na yung room ko , hanggang sa Makarating ako sa 3rd Floor at nakita ko na rin ang section ko na malayo palang kitang kita mo na dahil sa laki ba naman ng Sign na nakalagay na " PILOT SECTION" 

Pag pasok ko sa room bigla silang tumahimik. 
*lunok*
God! puro sila BOYS! at Lahat sila GWAPO kaya pala masasabi nilang "Lucky Girl" ka . Pero..
nakakatakot yung tingin nila sa akin, yung para bang sa isip nila hinihubadan ka na nila yung ganun ba. kaya Dire-diretso lang akong pumasok at patuloy  lang ako sa paglalakad hanggang marating ko na yung dulo ng room kung saan may dalawang bakanteng upuan , umupo ako dun sa malapit sa bintana .

Grabe , gento pala yung feeling pag pilot Section ka noh? parang ikaw lang yung Reyna na nila , prang alagad mo silang lahat kasi nga nag-iisa ka lang babae. pero teka.... Pilot ako diba? So ibig sabihin Andito rin si........

"Oh my.." bulong ko
Shete so ibig sabihin andito yung Asawa kong si Grae? chos! pero bakit parang wala pa sya?
Ene beyen lalo tuloy akong tinatamad.

"Hi miss."  bulong ng katabi ko

paglingon ko dun sa bumulong sa akin SOBRANG lapit na nung muka namin kaya parehas kaming napaatras.

"Sorry, Ryle nga pala " pagpapaumanhin nya sabay abot ng kamay nya

Juice Colored!  ang gwapo nya!!  ang kinis nung muka kissable lips matangos yung ilong halos na sa kanya na ang lahat. di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya

Pilot Section  (Gimme 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon