"Yula, pahiram nung eyeshadow palette, naiwan ko yung sakin sa bahay, kainis." sambit sakin nung pinakaclose ko sa tropa na si Marie habang nag-aayos kami sa comfort room. Malaki kasi yung salamin don of course kasya kaming pito.
Parang ang hinhin ng pangalan kung titingnan diba pero yan yung pinaka mahilig mag-makeup sa aming magtrotropa. Nagkukulot pa yan ng sarili niyang buhok pag may time.
Dapat daw ganun para ready na siya kapag naging model na siya sa future. Syempre, study first pa rin. Gusto din niyang maging artista sa tv at magkaroon ng maraming commercials. Antaas ng pangarap noh pero suportado naman iyan. Aayawan ba namin yun, may kaibigan kaming sikat.
"Eto oh" sabay abot ko sa kanya nung palette mula sa bag ko habang nagfifinishing touches gamit concealer at foundation sa may bandang ilalim ng kaliwang mata ko.
Lagi kong ginagawa ito dahil may ikinahihiya akong balat sa parteng yon.
Noong junior high ako, lagi akong inaasar dahil don.
Madumi.
Panget.
Malas.
Dahil doon napilitan akong lumipat ng school for senior at matutong mag-cover ng balat ko gamit ng make-up. Tinuruan ako ni mama, basta wag lang daw sobra-sobra dahil bata pa rin ako.
Tada! It worked its magic.
Sa buong school, walang nakakaalam ng tungkol dito bukod sa mga close friends ko. They helped me a lot. Tinuruan nila ako ng madaming tricks kung paano di agad mahulas yung cover ko sa balat ko. We share our experiences and opinions. We're compatible as besties forever like the stories.
Dati, si Marie lang ang close friend ko tapos close niya sila so pinakilala niya ako. Then, boom, I love them. They've been true friends and accepted me for me.
Btw, kahit mukha kaming mean girls dito dahil sa looks, we're nice people, studious students too.
"Thanks sis" hablot niya sabay bukas nung palette. Ilang shades lang naman laman nun, mga dose. Tsaka may pagka- natural tones lng naman yun. Okay naman daw yun for school. Di rin naman sinasaway eh.
Just for your info, this senior high school lang kumabog yung make-up skills namin. Dati, bb cream, concealer, at lip tints lang kami. Ngayon, madaming nadagdag.
"Aaahhhh! Lintek! Di pantay yung eyeliner" sigaw naman ni Wenna. Yung sa kaliwa kasi niyang mata ang ayos nung lagay nung brownish like niyang eyeliner na gaya nung sa mga kdrama girls, yung kanan naman parang napataas ng slight. Hahaha.
Di naman mukhang iba eh. Kapag tinitigan mo lang ng matagal nahahalata.
"Huwag mo nang burahin hoy. Baka kumalat pa." Sabi ni Kasey habang naglalagay ng pressed powder sa mukha ni Coreen.
"Oo nga teh. Naalala niyo dati, etong si Pau kumalat yung eyeliner nagmukha tuloy na may black eye nung nagsmudge. My pa- cat eye pang nalalaman eh. Di naman siya si Ariana Grande" agree ni Riza. Lumagalpak tuloy kami sa tawa.
"Hey! That's past already. Freakin embarassing. Stop it." Kontra dito ng englisherong friennie naming si Paula pagkatapos nitong magapply ng lip gloss.
"Oki, oki yes mam." Pekeng ngiti naman etong isa. Yung pang-asar ba naman. Nairapan tuloy ni Pau.
Ganito lagi ang eksena samin tuwing sama-sama kami sa cr like kapag free time, breaktime o kapag walang teacher na pumapasok sa klase. Di kami nagcucuting noh. Mababait pa rin naman kaming mga bata kahit mukha kaming best in makeup palagi.
We appreciate the magic na nagagawa ng mga produktong tulad nito, gaya ng sa akin.
Nakakapagpadagdag ng ganda at self confidence ang mga tulad nito sa isang tao. Bare face beauty is also good din naman. It's wonderful lalo na kung confident ka sa sarili mo. Pero kung hindi, there's no shame in using such recommended products or methods basta legal and safe. Wag ka lang tatamadin na tanggalin ang mga nilagay mo sa mukha before the day ends or bago matulog. Baka magising ka na lang one morning, tadtad ka na ng zits sa mukha.
BINABASA MO ANG
Donut (One Shot)
RomanceMahilig mag-makeup si Yula. Wala namang masama, diba? Paano kung laging may papansin sa kanyang di niya naman ka-close talaga tapos lagi siyang tinatanong kung gusto niya ng donut...