Tahimik lang akong naka-upo sa harap ni Ma'am Castro. Tinitingnan niya lang ako at tinitimbang ang galaw ko.
"I'm sorry—"
"You should."
Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at yumuko nalang.
"I can't believe on your behavior you did a while ago. I know you as a prim and respectful lady, Miss Eufinado. What happened?"
Hindi nalang ako nagsalita dahil lahat ng masasabi ko ay pwede iyon maging laban sa akin. Once a person made up his mind on one side, kahit ano pa ang pagpapaliwanag mo ay hindi na iyon mahalaga. Paniniwalaan lang nila ang gusto nilang paniwalaan.
In this situation, kahit anong explain ko ay buo na ang isip nila. Hindi ko na mababago iyon.
"Matalino ka. I hope you aligned your attitude on your intelligent. Sana hindi na ito mangyari sa susunod, understood?"
Tumango lang ako at tumayo na para magpasyang lumabas na ng room.
Hawak ko na ang door knob nang tawagin niya ako, "He's like you. He's far above from his classmates. Halos kabisado niya na rin ang libro kaya hindi niya magagawa iyon. I hope you understand."
Pinihit ko na ang handle at tuluyan nang lumabas.
That's my point! Kilala siyang matalino pero nagagawa niyang mangopya? Bakit hindi nalang siya manahimik sa klase habang exam? Iniinsulto niya ba ako na porket ako ang nagbabantay sa kanila ay malaya niya nang magagawa ang gusto niya?
Hindi na ako bumalik pa sa klase ni Sir Lopez. I can't afford to see his face again.
Umupo ako sa gazebo tapat lang ng building namin. Kinalma ko ang sarili ko bago magmuni muni sa harap ng mga naglalakihang mahogany.
I remembered that moment again. When I barely lose myself.
Sa magkabila kong balikat ay mahigpit na nakapatong ang kamay ng trainor ko habang hinihintay naming ang resulta ng winners. Hindi naman sa kampante ako sa nagawa ko pero I'm always making it sure na I will do great.
Sabay kaming huminga ng malalim ni Sir Ariel nang inayos na ang microphone ng stage ng emcee. There would be 3 winners pero s'yempre, kung sino ang nanguna ay siya lang ang pasok sa national. My team had a great expectation from me.
I made to the top 3 last year sa nationals. Sinisiguro namin ng school ngayon na makukuha namin ang unang place dahil babad talaga ako sa review.
"I'm sure you would make it again," Ma'am Castro softly whispered.
Everytime na mag-a-announce ng result ay kinakabahan ako kahit paulit ulit lang naman ang nangyayari every year ay hindi ko nagawang masanay. Pero ngayon ay kakaiba... I didn't feel chills at all. Siguro 'eto na 'yung time na expected ko na ako...
Pero nang matawag ang school ko sa 2nd place ay natahimik ang paligid ko. Wala akong ibang marinig kung hindi ang mabibigat na paghinga ko. No one dares to move. Hinihintay at tinitingnan lang nila ang aking reaksyon. Matagal bago ako makabawi.
I smiled as tears fell down on my cheeks. Suminghap ako at pinunas ang pisngi sa likod ng aking palad bago umakyat sa stage. Hindi ako sinamahan ng trainor ko at tanging si Ma'am Castro lang ang naglakas ng loob para manatili sa tabi ko.
I received my award but no one seems want to celebrate it. I know, surely, my school was disappointed. My goal kami, e. Bakit ngayon pa?
"Mr. Cleo Ruel Abellanosa from Serojihos Watabe University Foundation."
Tuloy tuloy ang paglalakad ko hanggang sa makarating na ako ulit sa pwesto ng team ko. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang tumalo at pumalit sa consecutive place ko. I memorized it and remembered it clearly.