Preview;

62 6 1
                                    

Preview


"A-aray!" Ang kaniyang hinaing ng aking madiinan ang bulak sa kaniyang pisnge. Tiningnan ko ang kaniyang mga kulay gray na mata at saktong nakatingin rin siya sa akin. Ang amo nang mukha niya para bang isang anghel na nahulog sa lupa. I mean isa siyang anghel na ipinadala upang ipalaganap ang kagandahan.

"Pasensiya na." Ang nasabi ko nalang, di ko kasi maiwasang tingnan ang kaniyang malarosas na labi. Ano kaya ang lasa nito? Siguro...... Hala! Ba't ko ba iniisip ang ganoong tanong.

"A-ayos ....lang..." Aniya at tumayo na ako upang ibalik ang betadine at bulak sa medkit pero....
"Titus!" Natigil ako nang tawagin ang aking ngalan. Uhmm, ang sarap sa taenga para bang isang musika na tinutugtog ng isang anghel. Ang sarap sa pakiramdam ng tawagin niya ang aking ngalan. Liningon ko siya at nginitian.

"Ano iyon, Killian?" Ang aking tanong sa kaniya.

"A-ano....k-kasi.....uhmmm..... s-salamat pala." Ang kaniyang winika at isinubsob ang mukha sa unan . I find it cute.

"Walang ano man." Ang nakangiti kong sabi. Ewan ko lang pero tuwing nakikita ko siya ay parang may gustong kumawala saking dibdib pero di ko nalang iniisip . Ibinalik ko na ang bulak at betadine sa medkit at tumungo ako sa kama at pagdating ko doon ay nakita ko si Killian na mahimbing na natutulog. Di ko maiwasan ang tingnan ang kaniyang napaka- among mukha. Isang anghel na natutulog sa aking kama.

Hindi ko mapigilang haplosin ang kaniyang napaka-among mukha. Ang ganda niya para maging isang lalake . Isang babae na nakulong sa katawan ng lalake. Tiningnan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Ang kaniyang pilikmata ay malalago , ang kaniyang ilong ay may kaliitan ngunit matangos , ang kaniyang pisnge ay may kapulan at maganda parin tingnan kahit na may pasa ito , ang buhok niyang hanggang sa mata na niya ay bagay na bagay sa kaniyang napaka-among mukha, ang kilay niyang medyo makapal na talagang bagay sa kaniya dahil ito ang magsasabing talagang anghel Ito dahil sa arco nitong nagmumukhang mabait at ang kaniyang mga labi na malarosas na may hugis puso . Ang sarap halikan ng kaniyang labi...... Arghh..... Ano na naman ba itong iniisip ko.....hindi pwede Ito. Oo, hindi naman na ayaw ko sa magkaparehong kasarian na relasyon ngunit ang iniisp ko lang naman ay mahirap nang mahulog sa kaniya baka kasi di niya ako saluhin at baka may nagmamay-ari na dito..

"Matulog ka nang mahimbing aking anghel." Yung na ang huling nasabi ko at tuluyan ng nakatuloy sa tabi nitong anghel.

Preview Ends

................................................................................................................................................

Kamsa~

The Man[BxB] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon