Chapter 2: Awakening

14 1 2
                                    


*Year 2002*

It's an ordinary day for the people of Austin— a poor town and a place for people who has an ordinary magic or ability. Where everyone is doing their. Until when the night comes. As the sun set and the moon rises, as the darkness covered the blue sky. An unexpected events happened.


Bumuhos ang napakalakas na ulan sa bayan ng Austin at sinabayan pa ito ng malakas na hangin. Ang mga mamamayan naman ay nasa kani-kanilang mga tahanan at hindi na nagtangkang lumabas pa pagkat lubhang mapanganib ang lumabas pa ng bahay.


Sa gitna ng malakas na bagyong nagaganap ay nagkaroon ng malakas na pagyanig ng lupa, nagtagal ito ng mga ilang minute bago tuluyang huminto ang pagyanig.


Samantala, sa isang liblib na parte ng kagubatan ng bayan na iyon, habang nagkakaroon ng pagyanig sa lupa ay ang pag-usbong naman ng isang napakataas at di pangkaraniwang gusali at ito'y nasaksihan ng isang lalaki.


Bakas ang gulat at pagkatakot nito nang dahil sa kanyang nasaksihan, sa kabila nito ay napuno sya pagkamangha at kuryosidad sa bagay na kanyang nakikita ngayon. Nang ito'y kanyang pagmasdan ay tila ba pamilyar sa kanya ang gusaling iyon.


"Hindi kaya... tulad din ito ng mga gusali sa ibang kaharian? Ano nga a ulit ang tawag nila doon...? Ah! Dugeon! Oo isang dungeon! Maaring ang isang ito ay isa ding dugeon! Pero teka, bakit naman biglang magkakaroon ng isang dungeon dito sa bayan namin?" pagka-usap nito sa kanyang sarili. Matapos ang ilang sandali ay napagdesisyunan niya na umalis na lamang dahil baka ano pa ang mangyari sa kanya kapag nanatili pa sya roon.


"Uwahhhhhhhh Uwahhhhhhh" Paalis na sana ang matanda ngunit natigilan ito ng makarinig ng iyak ng isang sanggol. Nagdalawang isip ang matanda kung titignan niya ba ito o hindi dahil natatakot sya na baka anong klasing nilalang ito at nagmumula ang tunog sa gusaling iyon.


Gayunpama'y nanaig parin ang kagustuhan nyang tignan ito dahil baka ito'y hamak na sanggol lamang at baka mapano ito dahil sa lakas ng ulan. Nang makalapit ang matanda sa pinagmumulan ng tunog na iyon ay natuklasan nya ang isang batang nababalot ng isang bilog na liwanag na para bang pinoprotektahan ito sa malakas na ulan.


"Juskong mahabagin!! Sinong walang pusong nag-iwan ng sanggol sa lugar na ito?!" sabi nito habang tuluyang lumapit sa sanggol at dalhin ito sa kanyang mga bisig. Pagkakuha nya dito ay biglang nabalot ng liwanag ang sanggol at pagkawala nito'y isang simbolo ang umukit sa braso ng sanggol.


Nakarinig naman bigla ng tunog ang matanda kaya naalarma ito at napagpasyahang bumalik na sa kanyang tahanan kasama ang sanggol, nagpalinga linga pa ito sa paligid upang tignan kung mayroong mga Akma (Devils) na nakapaligid sa kanila ngunit sa kabutihang paladay wala naman. Nang muli nman syang tumingin sa Dungeon na nakita nya kanina ay labis ang pagkagulat din nito ng bigla itong mawala.


Ipinagsawalang bahala nalang ito ng matanda dahil mas nag-aalala ito sa sanggol dahil baka paaano ito at mas lumakas na ang ulan. Di nagtagal ay nakabalik rin saw akas ang matanda sa kanilang bayan at nakauwi sa kanyang tahanan.


"Sino naman kaya ang nag-iwan sa iyo doon?" Pagka-usap nito sa sanggol na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Hinaplos nito ang mukha ng sanggol at laking tuwa ng matanda ng biglang magising ang sanggol at ngumiti sa kanya.

Mahō no Sekai 「Magic World」(On-Going) 魔法の世界Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon