Chapter 3: Rage of Aliokey

10 1 0
                                    


Hello there~ this is a long update. Enjoy reading! 


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Third person's Point of view.


Kasabay ng pagbangon ng kanyang kapangyarihan mula sa kanyang panaginip ay ang pagbangon rin nito sa realidad. Siya ay lumutang mula sa kanyang pagkakahiga at nabalot ng ginintuang liwanag, nagpakawala siya ng mga malalakas na sigaw buhat ng hapdi at sakit na kanyang nararamdaman, narinig ito ng kanyang ama kaya dali-dali siya nitong pinuntahan sa kanyang silid. Laking gulat naman ni Tatay Lito ng makita niya ang pinagdadaanan ng kanyang anak, siya ay nag-aalala sa anomang maaaring mangyari kay Aliokey.


Sa kabilang banda sa paaralan ng mga elite mages, ang Maho no Academia, nakaramdam ang Headmaster ng paaralan nito ng isang napakalakas na tensyon ng kapangyarihan kung kaya't pinatawag nya ang kanyang secretarya upang papuntahin sa pinanggagalingan ng kapangyarihan na iyon.


"Magmadali ka't magtungo sa pinanggalingan ng pwersa ng kapangyarihan na iyon, gawin mo ang lahat upang siya'y sumama sa iyo bago pa sya matunton ng Dark Organization." Utos nito sa kanyang secretarya.


"Masusunod po" dali daling tumugon ang secretarya ng headmaster at tumungo sa pinanggagalingan ng kapangyarihan nito, siya ang napiling utusan nito sapagkat sa kabila ng angkin nitong lakas sa pakikipaglaban ay nagtataglay ito ng abilidad na kung tawagin ay "Magic Tracker" na kung saan kaya niyang malaman kung saan ang pinanggagalingan ng kapangyarihang madetect niya.


Samantala, mukhang hindi lang ang Headmaster ang nakaramadam ng kapangyarihan na iyon bagkus naramdaman din ito ng mga Akma kung kaya't dali dali itong lumusob sa pinanggagalingan ng kapangyarihan na iyon.


Sa kabilang dako, patuloy paring nagwawala ang kapangyarihan ni Aliokey, nasunog at nasira narin ang ibang parte ng kanyang silid, wala namng ibang magawa ang tatay niya kundi tignan lang ang kanyang nak at manalangin para dito.


"Jusko Ali! Huwag kang susuko! Kaya mo yan anak ko!" sigaw nito sa kanyang anak. Hindi rin nagtagal ay kumalma na si Aliokey, muli itong bumalik sa kanyang pagkakahiga ngunit kita mo rito ang panghihina.


AWOOOOOHHHH!!

AWOOOOOHHHHH!!

RAWRRRRRRRRRRR!

RAWRRRRRRRRRRR!

*Growl of the Akma/s*


Na-alarma naman bigla si Tatay Lito ng makarinig siya ng malalakas na ungol ng mga hapyop mula sa labas kung kaya't dumungaw ito upang tignan kong ano ang kaganapan sa labas.


"Jusko! Masama ito, papaano't mayroong mga Akma dito?" Bulong nito sa kanyang sarili, nagtataka kung papaano't biglang nagkaroon ng mga Akma na hayop sa kanilang kinaroroonan.


Binaling nito ang kanyang tingin sa walang malay na Aliokey atsaka sya lumapit,. Inayos sya ang itsura at pagkakahiga nito at sinugurado muna nitong maayos na talaga ang lagay ni Aliokey bago siya tumungo sa kanyang silid para kunin ang kanyang matagal ng tinatagong sandata atsaka lumabas upang harapin ang mga akmang nakapalibot sa kanilang tahanan.

Mahō no Sekai 「Magic World」(On-Going) 魔法の世界Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon