CALI'S POV
2018.
It's been two years since the day I lost him.
But everything feels like it happened just yesterday.
Yung sakit ay hindi mawala-wala sa puso at isip ko.
Ang hirap mong kalimutan, Noah.
I snapped out of reality when my secretary went in my office.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Ms. Lea , may meeting daw po within 30 minutes." Nakangiting bungad sakin ng isang secretary at agad naman akong ngumiti.
"Okay, i'll be there." Tumango naman siya bago lumabas ng office ko at agad naman akong tumayo para pumunta sa Conference room. Inayos ko ang gamit ko nang biglang nag-ring ang phone ko.
Tracy Calling~...
It's been a while.
"H-hey.." Tugon ko sa tawag niya.
"Hey, Cali! How are you?! It's been years! 'Di na kita mahagilap at kinuha ko lang kay Tita Lacey ang phone number mo." Halatang masayang bati nito sakin.
Umupo ako ulit sa chair ko at nag buntong hininga.
"Heto..puro work." Nakangisi kong tugon. "Ikaw? How are you? Bakit ka nga pala napatawag?"
"I just want to invite you to my wedding! Gosh, matapos nung nangyari kay No--" She stopped for a while na para bang nag alinlangan pang banggitin ang pangalan. "I mean, matagal na din e, hehe. Please come!"
"Wow, akalain mo 'yon? Sa ating dalawa, mauuna kang ikakasal? Haha, Congrats! Of course i'll be there." Masayang tugon ko.
"Yey! I can't wait! Ikaw Maid Of Honor ko ha? By the way sa Tagaytay ang wedding hihi." Halata sa boses neto ang excitement ngunit ang ngiting kanina kong suot ay biglang nawala.
Why out of all places?
~FLASHBACK~
Naandito ako ngayon sa isang Exclusive Restaurant sa Tagaytay dahil nagyaya si babe ng date, pinasundo niya ako kay Kuya Tonyo, ang driver niya. Nang bigla naman akong piniringan ng isang waiter bago ko pa matanaw ang resto.
"Ay---"
"Utos lang po mam, hehe.." Tugon nito at huminahon naman ako.
Agad akong nagulat sa tunog nang phone ko at napagtantong isang call 'yon.
Noah Calling~..
"H-hey Beautiful.." Malambing na bungad sakin ni Noah at tuluyan naman akong napangiti sa Labas ng Resto dito sa Tagaytay. "Are you ready?"
"W-what's this? Ikaw may pakana nito? " Nahihiya kong tanong.
BINABASA MO ANG
DUSK UNTIL DAWN (BOOK ONE: ONGOING)
RomanceCallista Shianna Ferrer, an independent woman at a very young age, lost a true love she was once all about. It was a hardship for the young woman to come across again, to search and to find another love she could hope for. Would the paths still be t...