Dex
"Tahan na, tahan na." Nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ng kalamay!" malumanay na sabi ni Manuela habang hinahagod niya ang likuran ko.
Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Manuela pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang pinag-usapan nila Mommy at ng doktor ko kanina. I wish I was not there, or more so, I wish I was deaf.
"O, bakit ka natatawa? Tumalsik ba laway ko?" maagap niyang tanong na para bang hindi mapakali ang tinig niya.
Napailing ako. "Manuela, bulag ang nasa harapan mo," mahinahon kong paliwanag. "Bulag. Kaya hindi ko makikita, okay?"
Naramdaman kong napatigil siya sa paghagod sa aking likuran. "Bakit ka ngarud tumatawa?"
"Dahil hindi ako gutom!"
"Hindi naman kita yinayang kumain, ah."
"Hindi ko kailangan ng kalamay."
"Kalamay? Ang sabi ko kawamay!" Bigla na lang dumapo ang palad niya sa braso ko. "Epal ka, Sir Dex! Gigil ako!"
Napahalakhak na lang ako nang malakas. I know it is not genuine, but I have to lighten up the situation. She heard it too. She heard about how they will be treating my eye, who will be the donor, and when it will happen. They all planned these since then but I do not have the courage to protest. It seems impossible but we have all the means to make it possible.
We have the money.
We can buy all things. Even, people. But I'm afraid, this life is slowly killing me.
Mula sa malalim kong pag-iisip ay ang paghaplos ng malamig at mamasa-masang palad sa magkabila kong pisngi. Naramdaman ko ring may humalik sa aking noo.
"Sir Dex ang cute niyo," malambing na wika ni Manuela.
"Manue..."
Pinigilan niya ako mula sa pagsasalita. "Pssh! Ang ibig kong sabihin ay ayos lang ako. Okay lang."
Biglang dumaloy ang mga saganang luha sa akin. It was like an ocean trying to create series of waves, and even tsunami. She was the only person that made me cry.
"Dapat maging masaya ka, para sa akin."
Napatango na lang ako sa sinabi ni Manuela, pero gaya ko narinig ko na rin ang tahimik niyang paghikbi. Ang kaibahan lang, siya ay nagpipigil ng sakit habang ako'y lantarang pinapakita sa kaniya kong gaano ako kahina.
"Bata pa lang tayo, Sir Dex." Pinunasan niya ang rumaragasang luha mula sa aking mata pababa sa pisngi. "Pero, pwede ba ‘yun ang magmahal ng totoo at tapat sa batang edad?"
Napatango ako.
"Mahal kita, Sir Dex. Mahal ka nitong katorse-anyos na nasa harap mo."
Napatango akong muli.
"Sayang bawal pa tayong mag-kiss." Bahagya siyang napasinghot. "Kung bibigyan ako ng chance ni Lord gusto ko pa sanang manatili sa tabi mo, pero mukhang malapit na akong magpaalam."
Napailing ako ng ilang beses. "Huwag mong sabihin iyan!" pagbabanta ko.
Tumawa siya sa mapaklang tono. "Tadhana ko ito, ‘di ba?"
"Hindi totoo iyan!"
"Sir..."
"Stop it!"
"Importante naman ako sa ‘yo, ‘di ba?"
"Yes, more than anyone else."
"Importante ka rin sa akin, Sir. Kaya gusto kitang sumaya."
"How? Please!"
"Makakakita ka na!"
"I don't want to!"
"Kailangan mo ito." Mahinahon pa rin ang tono ng kaniyang pagsasalita. As if she wants to sing lullaby that will put me to sleep. Very calm and therapeutic. But not this time.
"I don't want to lose you," padabog kong sabi habang patuloy pa rin ang parang dagat na kumakawala sa aking mata.
"Mahal kita at gusto kong makita mo lahat ng bagay na minahal ko. Gusto kong makita mo kung gaano kakulay ang mundong ito sa kabila ng mga nalaman ko sa iyo," kalmadong wika ni Manuela.
"But..."
Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang papalapit na pagtawag ni Mommy kay Manuela.
"Manuela," sigaw ni Mommy.
"Parating na po, Ma'am Editha!" pabalik na sigaw ni Manuela.
"Bilisan mo, hija."
"Opo!"
Narinig ko ang mumunting paglamukos ng mga dahon na para bang natapakan. Kasabay noon ay ang pagbitaw ng mga palad sa aking pisngi.
"Manuela?" maagap kong sabi.
"Magkikita pa tayo."
"Ayaw ko ng ituloy ang operation!" Mababakas pa rin ang hikbi sa aking pagsasalita.
"Kasama mo pa rin ako!"
"Huwag na. Please!"
"May dalawang kaluluwang pagbubuklurin pansamantala ng tadhana," wika niya na medyo nagpatigil sa akin sa paghikbi. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "Ang isa'y kailangan maghintay habang ang isa'y kailangan makaalala sa panahong itinakda. Sa parehong oras, araw at klima, nawa'y ang pangakong pagmamahalan ay tumalima."
Bahagya akong natahimik sa winika ni Manuela. Pero mas ikinagulat ko ang paglapat ng kaniyang mainit at malambot na labi sa akin. Hindi ko inaasahan iyon. Pero naging mabilis ang pangyayari para isipin pa at maparalisa sa sensasyong idinulot noon sa aking sistema.
"Hintayin mo ako, Dex." Tumikhim siya. "Makakakita ka na gamit ang aking mga mata."
Naestatwa ako sa kinauupuan ko habang naririnig ang paglakad niya papalayo. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan pero sa sandaling iyon ay hindi ako nakadama ng kahit anong lamig. Pakiramdam ko nakiramay sa munti kong prusisyon ang Bathala. Tila ba'y pakiramdam ko pinagtaksilan ko ang sarili ko.
YOU ARE READING
Your Eyes and Lies
RomanceHindi kayang magsinungaling ng mata. Paano kung sa paghahabol mo sa isang tao ay bigla kang madapa sa katotohanag ibinaon na ng tadhana sa hukay kasama ng trahedya? Paano kung naghahabulan lang kayo ng taong iyon dahil malaki ang pagkakautang mo sa...