Quedan"Ma, pasok na po ako!" pasigaw kong sabi kay Mama na ngayo'y abala sa paghahanda ng agahan sa pinakamamahal niyang kusina.
Habang binabaybay ang landas patungo sa paaralan na ilang kilometro lang ang layo sa aming bahay ay hindi ko lubos maisip kung paano ako magbabayad ng utang-na-loob sa pamilyang kumupkop sa akin noong bata pa lang ako.
Yes, ampon po ako. Ewan din daw ni Nanay Hasmin kung bakit tila naengganyo siya sa matinis kung pag-iyak. Nakita niya raw ako sa tapat ng bahay nila na bahagyang natatalsikan at nababasa ng ulan dahil bumabagyo pa raw noong araw na iyon.
Sabi niya, "Kung sa iba malas ang Bagyong Quedan, pero sa akin, iyon ang pinakamasuwerte kong araw!"
May pagiging loka-loka rin si Nanay, ipangalan ba naman ako sa isang bagyo. Hayst. Sabi pa nga niya mas malakas pa raw ang ingay na nagawa ko nang araw na iyon kaysa sa mabibigat na patak ng mga tubig-ulan sa bubong ng bahay.
Masuwerte talaga ako dahil napunta ako sa isang malaki at masayang pamilya. Anim talaga silang magkakapatid at kapag isinali ako, magiging pito. Noong nakuha nila ako at tuluyang inampon ay hindi na sila muling biniyayaan ng sanggol. Kumbaga, ako na lang daw ang kulang dahil matagal ng nais ni Nanay na magkaanak ng babae. Yeah, that's right. Anim silang lalaki, ay mali pala. Lima silang lalaki, isang half-half at ako. Si Kuya Helming, Kuya Seniang, Kuya Ibiang, Kuya Iliang, Kuya Welpring at Kuya Falcon. Matinding pagrereklamo ang ginawa ng naunang lima dahil para daw silang probinsyano sa pangalan nila.
Noon nagreklamo rin ako, pero mas grabe pa pala ang mga pangalan nitong mga kuya ko. Puro may "ting" sa dulo.
Nagustuhan daw kasi ni Nanay ang rason kung bakit kailangang lagyan ng pangalan ang bagyo. Para sa kaniya, maliban sa pagkakakilanlan, ang pangalan ay para itala ang naging sakit, hapdi at kawasakang minsang idinulot sa bawat isa. Kaya sa tuwing manganganak si Nanay noon, lagi siyang umaawit ng Rain, Rain go away sa kadahilanang upang maibsan ang delubyong tanging ang mga ina lang ang nakakaramdam.
Si Tatay Eduardo rin ay tinrato ako na parang hindi iba. Matagal niya na raw kasi gustong magkaanak ng babae. Ako raw ang katuparan niya ng kaniyang pangarap bilang isang ama. Pero noong tumuntong ako sa sekondarya ay namaalam din siya.
Iniwan niya si Nanay.
Iniwan niya kami.
Inatake siya sa puso habang nasa kalagitnaan ng trabaho. Naisugod pa siya sa pampribadong ospital ngunit idineklara rin ng doktor na wala ng pag-asa ang pasyente sa pinakakalmadong tono. Naging mabilis ang pangyayari, wala sinumang nag-akala na sa edad na 45 ay mamatay si Tatay. Siguro tama nga ang sabi-sabi na kung sino pa ang mayroong mabubuting puso ay sila pa ang nasa Top-Must-Die-List ng Panginoon.
Noong araw na iyon, nagsimula rin ang misteryosong nakikita ko sa tuwing pipikit ako. Strange. Dahil kapag nakapikit ako, napupunta ako sa hindi pamilyar na lugar.
Hindi nga ba pamiyar iyon?
Para bang nasa iba akong mundo, nakikisalamuha sa ibang tao. Nakikita ko lahat. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang matiwasay sa gabi. May mga oras na madilim din, pero madalang. Iniisip ko na lang na nanaginip ako, pero napaka-realistic na parang nasa ibang kama ako natutulog at sa ibang kama bumabangon. And may mga oras na napapamura ako nang very sweet dahil para akong bilyonarya sa ganda ng mga kamang nahihigaan ko kapag nakapikit na ang nga mata.
At napamura na nga ako ng muntikan na akong matalisod dahil hindi ko nakitang may humps pala sa dinaraanan ko.
"Gago namang humps ito!" asik ko sa pobreng bato.
YOU ARE READING
Your Eyes and Lies
RomansHindi kayang magsinungaling ng mata. Paano kung sa paghahabol mo sa isang tao ay bigla kang madapa sa katotohanag ibinaon na ng tadhana sa hukay kasama ng trahedya? Paano kung naghahabulan lang kayo ng taong iyon dahil malaki ang pagkakautang mo sa...