Prologue:
Finn
Sabi nila pagmahal na mahal mo ang isang tao masasaktan ka talaga pagnagbreak kayo, kagaya nalang nang nafefeel ko ngayon, ang sakit pala. Ngayon ko palang naranasan to, sa lahat ng mga naging gf ko kay Hadley lang ako nasaktan ng sobra. Pano ba naman 2 years naging kami pinagpalit niya lang ako sa transferee student nayun, naku nakakabewsit talaga! Ano ba naman Finn 3 weeks na kayong break hindi ka pa nakakamove-on, kung tutuusin noon after 2 days lang may bago kanang gf!!...
Ano ba tu Lord, nakakainis na talaga! Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni ma'am.
"Mr. Hernandez! Tinatanong kita! What is the difference between Common Logarithm, Natural Logarithm and Antilogarithm?"
"Eh Ma'am hindi ko po alam."
"Ano kaba naman Mr. Hernandez hindi ka ba nag-aral kagabi?! Second grading na, bawiin mo yung low grade mo noong first grading buti nalang nakapasa ka pa!"
Hindi nalang ako sumagot kay ma'am, nakakahiya na kasi. Hay naku!!!, ikaw kasi Hadley kailan pa ba ako makakamove-on sayo?
Rhine
"Rhine! Congrats...:D" sabi ni Jezy at Yara sa'kin kasi na Top 2 ako sa klase namin ngayon second grading.
"Thanks Jezy at Yara, Congrats din!...:)" Kahit na top 2 ako kailangan ko pa ring magsikap para ma top 1 ako, sana magawa ko yun.
"Rhine, Jezy kain tayo! Celebrate natin pagkasali natin sa top 10!" sabi ni Yara.
"Oo nga! mamaya pagtapos ng klase punta tayo sa Cafe. Tayo lahat ha." sabi naman ni Jezy.
"Eh hindi ako pwede..." sabi ko.
"Ano kaba naman Rhine, break muna sa studies, bonding muna tayo." -Jezy
"Oo nga minsan lang tu." -Yara
Mag-aaral pa ko mamaya...:( well... "Sige na nga. Pero hindi tayo magtatagal dun ha." Pumayag naman sila.
Finn
"Hoy Finn! Huwag ka ngang tulala dyan! Wag mo nang isipin ang sinabi ni ma'am kanina." sabi ng kaibigan kong si Xander.
"Hindi yun iniisip ko."
"Eh, ano si Hadley na naman?, kilala na kita Finn alam kung si Hadley na naman, magmove-on ka na nga! Pero alam kung mahirap pa rin yun."
"Hindi ah! Umh...Oo nah, hindi pa ako nakakamove-on siya lang ang babaeng sineryoso ko... pero kailangan ko nang magmove-on , hindi ko lang alam pano."
"Humanap ka kay ng katextmate."
"Magandang ideya yan, pahingi naman number." Friendly kasi si Xander kaya maraming contacts.
"Oo ba!" at binigay niya sakin ang cp niya.
Naghahanap ako ng number sa cell ni Xander nang namali ako ng pindut...
..Calling Rhine (IV - Love)...
first section tu ahh!... sino kaya to?...
-----------------------------------------
Ate Author: yan po ang prologue!...:) sana nagandahan kayo, abangan niyo po ang chapter 1..:)
~mar...
BINABASA MO ANG
The Possibility of Second Chances
Teen FictionSi Rhine ay isang TH (trying-hard) student, palagi siyang top sa class nila, masipag mag-aral-in short a serious student. Mukhang wala nga sa vocabulary niya ang salitang "love", pero baka meron din naman. Si Finn, your not-so-serious student, pala...