SIMULA

16 0 0
                                    

"Ma,pasok na ho ako!"

"Ah,sige wait yung baon mo nak?"

"Ah,oo nga pala"napakamot ako sa aking ulo.

Habang tumatawid ako na parang may siyam na buhay,ang saya ko na parang tanga.

Mahaba yung linya ng jeep na sasakyan ko kaya nag-ayos na lang ako para magmukhang tao.

Pagkasakay ko katabi ko yung lalakeng gwapo shet~

"Usog ka nga miss"

Wow si ate inuutusan ako. Umusog ako ng konti tama lang na magkadikit ang mga braso namin ng katabi ko. Ang bango niya. Perfect! Ngayong ko lang napansin na schoolmate pala kami. I guess engineering to eh.

"Miss?"

Bigla akong nagulat sa biglaang pagtawag. Nilingon ko ang lalakeng katabi ko,yung gwapo.
Lumilingon-lingon ako kung ako ba talaga ang kausap niya,bago ko napagtantong ako nga,nilingon ko agad siya.

"Bakit?"

Napakamot siya ng bahagya sa ulo,parang nahihiya.

'my gosh,crush siguro ako neto'

"Pwede bang-"

Pinutol ko kaagad siya.

"Hindi puwede,hindi ako nagpapaligaw" i answered.

'pabebe ako kunwari,para suyuin,ayaw kong maging easy no!,dapat hard to get, ganon!

Bahagya siyang nagulat sa aking pagsagot. At ako nama'y taas noong tiningnan siya.

"U-uh Miss, baka pwedeng makahiram ng pamasahe,naiwan ko kasi sa bahay yung wallet"

Bigla akong napahiya. Bigla kung kinagat ang pang-ibabang labi para takpan ang kahihiyan.

"Ah,ganoon ba?"i smiled shyly.

"Baka pwede lang naman"

Patay!napaka assuming ko talaga. I really hate myself for that. Para na akong tanga tumitingin sa kanya.

"A-ah...sige ba!"walang pag-alinlangang tumango.

'shit,nakakahiya'

Binigyan ko siya ng 20 pesos,oy may sukli pa yon,pero di bale na.

"Salamat"sabay ngiti.

"Hoy,anong salamat?bayaran mo yan!"

Ewan ko ba kung bakit ko nasabi 'yon. ugh kainis.

"Sure,pero salamat talaga"

Hindi ko namalayan na nasa school na pala kami. Agad akong bumaba dahil sa labis na pagkahiya at ewan ko ba bakit ko nasabing bayaran niya ako gayung ayaw ko na siya makita. Pero sabi niya naman na babayaran niya iyon. E'di quits na kami.

"Athenaaa~"parang kambing na hiyaw ni Kelly,bestfriend ko.

Niyakap niya ako na parang walang bukas.

"Hay naku frenny,halika na't magsisimula na"

Hanggang sa nag-umpisa ang klase, heto ako't tulala. Nabuhayan lang ako nung kinilabit ako ni Kelly.

"Freeen, gwapo ng professor natin"bulong niya sakin,dahilan para matawa ako.

"Hala ka?pati prof ghourl?papatusin mo?"

"Syempre no?yummy kaya niya!" she whisper joyfully.

Recess na nga at lutang pa rin ako. Kinakabahan sa sariling imahinasyon na baka magkita kami sa cafeteria at ipahiya.

'no waaaay'

Pero kusa awkong sumama kay Kelly dahil gutom na siya. Ang takaw talaga kahit kelan.

Ang ingay sa cafeteria dahilan ng pagkaba ko. Hindi ko kayang mapahiya lalo na't first day ko ngayon.

"Athena!bili tayong juice"sabay kaladkad sa papulsuhan ko.

Iniwan niya ako para bumili ng juice, naglibot naman ako para di mabagot.

May soccerfield at gymnasium itong school at may mga upuan at puno rin para tambayan. Sumilong ako sa ilalim ng puno at nagpahinga saglit. Nakahinga ako ng maluwag pero ito'y natigil nang may nakitang isang pamilyar na katawan.

'NO WAAAAY~'

Unexpected FeelingsWhere stories live. Discover now