Nakaupo ako ngayon sa malambot na kama habang nilalaro ang aking mga daliri. Nakasuot ako ngayon ng fitted na maroon dress na hanggang tuhod, v-neck sya at may manggas nakalugay ang mga buhok ko na nakakulot sa dulo at kulay flesh na sandals mga 3 inches siguro. Napabuga na nalang ako sa hangin at binababa ko pa ng husto ang laylayan ng suot ko, hindi naman kase ako nagsusuot ng mga ganto kaya hindi ako komportable
Kanina pagkaalis nung boss nilang Phoenix daw ang pangalan dinala nila ako rito sa magandang silid na may mga maid na magaayos daw sakin kingina biruin mo paliguan ba na man ako.Pagkatapos non binihisan na nila ako at inayusan. Sa totoo lang naeenjoy ko to ah kahit na hindi ko alam ang nangyayari aba't biruin mo kinidnaped ka nga pinaganda ka pa natatawa ako sa mga iniisip ko nang biglang bumukas ang pinto.
Lumabas doon yung lalaking sumampal sakin shit parang biglang tumulo laway ko ah! Nakapolo syang itim na tinupi hanggang siko ampogi naman pero nanampal parin sya. Nang maalala ko ang pagsampal nya sakin sinamaan ko sya nang tingin , pero nadako ang tingin ko sa mga mapupula nyang labi shit, napalunok ako nang maalalang natikman ko na ang mga labinag iyon mmm yummy! Natauhan lang ako ng hilahin nya ako.
"San mo ba ako dadalhin?" lintek muntik na akong matipalok. Hanggang sa makarating kami sa isang silid nakita ko ang iba't ibang sasakyan doon wow as in wow gorl andaming kotse!!! Huminto kami sa kulay red na--- LAMBORGHINI??? Ngayon ko lang napansin na puro sosyal ang mga sasakyan dito. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pinasakay ako nakatanaw lang ako habang umiikot naman sya sa driver seat, nakatingin lang ako sa bawat kilos nya nang magsalita sya
"Wear your seatbelt miss" shit ang sarap pakinggan ng boses nya huhu. Nang di ako kumilos bigla nalang syang lumapit sakin, nanlaki ang mga mata ko sa sobrang lapit nya, naaamoy ko na ang mabangong hininga nya, nginisihan nya lang ako at pagkatapos isuot sakin ang seatbelt at nagdrive na.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at umungot ako ng may tumamang kung ano sa ulo ko, handa na sana akong manapak nang pagkadilat ko nasa harapan ko na pala ang mukha ni Phoenix halos di ako makahinga sa posisyon namin ngayon.
"Wake up..we're here..sleepy head."nginitian nya ako ng isang makalaglag panty at saka lumabas at pinagbuksan ako. Lutang parin akong habang bumababa ng kotse.
Namangha ako sa nakikita ko sa harapan ko ngayon isang mansyon ay hindi PALASYO palasyo sa laki kay lawak ng hardin at kay tataas ng pader big WOW. Siguro nanaginip lang ako kung ganon ayoko ng magising
"Hindi ka man lang ba magtatanong kung bakit dinala kita rito" Nagulat ako ng magsalita si Phoenix.
"Bakit sasabihin mo ba sakin?"
"Oo"
"Okay. Nasan ako? Anong balak mo?"
"Mamaya malalaman mo." Pabitin amp ibitin ko sya dyan e. Hinila na nya ako papasok sa bahay. Pagkapasok namin bumungad samin ang mahabang mesa na napupuno ng mga taong base sa mga pananamit ay mayayaman ang mga ito. Nakaramdam ako bigla ng hiya sa mga tingin nila na para bang minamaliit nila ako.
"Oh hi son? How are you?" sabi ng isang ginang na nasisiguro kong ina nitong si Phoenix.
"Sya na ba iyon son?" Sabi naman nung lalaking nasa mga 50+ na siguro pero lutang na lutang parin dito ang kagwapuhan.
"Bakit hindi nyo muna sila paupuin mama? Phoenix maupo na kayo." Sabi ng isang teka-- parang nakita ko na tong lalaking ito pero hindi ko matandaan kung saan.
Pinaghila ako ng upuan ni Phoenix at kinuha nya rin ako ng makakain.At nagsimula na kaming kumain pero ako hindi parin makasubo ng maayos dahil nakatingin sa akin ang karamihan sa kanila tila ba minamatyagan ang bawat pagkilos ko
"Ipakilala mo na sa amin ang mapapangasawa mo son." teka ano daw mapapangasawa ah baka iba tinutukoy nilang son pinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain
"Mama, Papa at buong Deogracia Family meet my fiancee Madison Ocampo." bigla akong nabulunan ng marinig ang salitang fiancee?? KAILAN NYA PA AKO NAGING FIANCEE?? KINIDNAP NYA LANG AKO KAHAPON!! At teka alam nya ang pangalan ko???Buhay may Asawa???Fuckkkkk wala pa sa plano ko ang magasawaaaa!!!!!!
YOU ARE READING
Heart's Desire Under The Sunset
Fanfiction"...From now on you're mine.....madison" Tama ba na sumugal ako kahit na sa huli ay ako ang talo? "until we meet again.....goodbye Kyle Phoenix" Kung tayo talaga sa huli gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para tayo'y muling magkita. Bakit kailan...