Nandito kami ngayon sa loob ng kotse. Walang nagsasalita sa amin hanggang ngayon hindi parin talaga magsink ink sa utak ko ang nangyayari. Sino ba naman hindi makakamoveon kung kinidnap kalang tas may kasalan na agad magaganap diba?. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kanina ko pang tinitimping galit. Alam kong ano mang oras ngayon sasabog na ako. Lalo na at itong lalaki na ito na ngayon ko lang nakilala at nakasama ay hindi man lang magpaliwanag sa mga nangyayari. Hindi ko na kaya pang tagalan ito kaya nagsalita na ako
"Anong sinasabi nila na kasalan? At ano ang sinasabi mo na next month na agad!? My gosh!! Kinidnap mo ako kahapon tas sinampal, binihisan at dinala sa pamilya mo para sabihing ako ang mapapangasawa mo? Ano bang plano mo ha? Ipaliwanag mo lang!!! Hindi ako papayag sa kasalan na iyan wala pa sa isip ko ang magpakasal!!!". Hinihingal pa ako ng tuloy tuloy kong sinabi sa kanya yon. Lalong nagusok ang mga tenga ko ng parang wala lang sa kanya dahil kalmado parin ang mukha nya at nakafocus lang ang tingin sa pagmamaneho. Mamaya maya lang nagsalita na sya ngunit kalmadong kalmado parin na parang alam na nyang sasabihin ko iyon
"Can you please calm down?" Aba't calmdown daw!!!!!. Hininto nya sa tabi ng kalsada ang kotse para makausap nya ako ng maayos. Bumuntong hininga sya at nagsalita
"I'll pay you monthly to pretend as my wife."tekaaa????ano daw babayaran? Anak ng tupa.
"Gago ka pala e sa tingin mo ba mukha akong pera???"
"No. Look I'm sorry kung nasa sampal kita nung una nabadtrip lang ako nung araw na yon im so sorry" sinserong sabi nya.
"Okay magpapaliwanag ako. Nangingidnap ako ng mga babae at naghahanap ako ng kakaiba sa kanila para yon ang pakasalan ko at ikaw ang nakapukaw ng pansin ko. Im so sorry sa una nating pagkikita. Just be my wife for 5 months at pagkatapos non magpaannul ka. Lahat ng kailangan mo in 5 months ibibigay ko." hmmm parang okay naman 5 months lang naman. Kailangan na kailangan ko pa naman ng pera para sa plano kong pagamutin ang lolo ko at pambayad din sa tinitirhan ko. Napakagat nalang ako sa aking labi. Kung hindi ko ito tatanggapin baka wala nakong matirhan at baka sapilitang maibenta ko pa ang pinakamamahal kong motor.
"O sige! Kailangan ko ng sariling tirahan at kailangan ko ring ipagamot ang lolo ko na may sakit sa mata!"
"Yun lang? How about a car?"
"Wag na may motor ako"
"Okay deal! i will give you a condo and three hundred thousand for your lolo bukod paron may sweldo ka monthly ng five hundred thousand. Is that okay?" Wow okay na okay!!
"Deal"
Hinatid nya ako sa apartment ko at nagtaka ako dahil alam nya pero hindi na ako nagtanong pa. Pagkababa ko nakasunod sya sakin, at nang hinarap ko sya isinandal nya ako sa pader ng gate at kinulong nya ako sa gitna ng mga braso nya. Halos di ako makahinga sa sobrang lapit nya.
"I have a rules"napalunok ako ng maamoy ang mabango nyang hininga.
"First. Walang ibang lalaki sa loob ng five months........ Second. PDA tayo in public mahirap na pag may makahuli..... Third. Pwede ang halik at yakap........ Fourth. Ipapakilala mo ako bilang fiancee not boyfriend......... And lastly. Bawal ang mafall." Sabay halik nya sa aking mga labi sa una mabagal lang iyon pero unti unti nang naging agrisibo iyon. Mabilis ko syang tinulak ng lumalim iyon, feeling ko nagbabaga ang mga pisnge ko, hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.
"Goodnight my fiancee. See you tommorow." Pagkatapos kumaway sakin sumakay na sya sa kotse at ipinaadar yon. Napahawak na lang ako sa puso ko nang may kiliti akong naramdaman doon.
Nang makahiga ako sa higaan ko naalala ko ang huling rules ni Kyle. And lastly. Bawal ang mafall......kingina marupok ako sa mga lalaking katulad mo.
YOU ARE READING
Heart's Desire Under The Sunset
Fiksi Penggemar"...From now on you're mine.....madison" Tama ba na sumugal ako kahit na sa huli ay ako ang talo? "until we meet again.....goodbye Kyle Phoenix" Kung tayo talaga sa huli gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para tayo'y muling magkita. Bakit kailan...