Dark's point of view
"Pre, can you try even harder sa pagbanat mo?" Dismayadong tanong ni Zeph kay Froid na ngayon ay kamot ulong nakatingin sa phone niya. "Anong magagawa ko?! I tried! Pero ang reply lang niya sa akin eto!" Pinakita ni Froid ang screen ng phone niya at nakalagay lang ron.
"Get lost." Pagbasa namin ng sabay-sabay. Lumipas ang ilang segundo bago sa amin mag sink in 'yon at humalakhak kami. "Tangina naman kase ano bang sinabi mo ha?!" Natatawang tanong ni Blake kay Froid na hindi natutuwa sa kinahihinatnan ng first date niya sana.
"Nako, mukhang tatandang binata utol natin ah!" Dagdag na asar pa ni Zeph. I shook my head off in disbelief.
"What did you say to her?" I asked, while tapping my fingers on the table.
Lahat sila ay napatingin sa akin at kinuyog ni Blake si Froid na tulala lang na nakatingin sa phone niya.
"Oy pre! Ano daw yung sinabi mo!"Bumuntong hininga si Froid bago niya ipakita sa akin yung screen ng phone niya at saka ako tumingin sa kaniya at nag facepalm. "If my right leg is the cell wall and my left is the membrane, do you want to be the cytoplasm?" Sandaling tumahimik sila Zeph at Blake.
"Tangina pre, nakakatakot ka na jowa dapat yung mga jinojowa mo yung kasing talino mo!" Ani Zeph.
"Tol, mas mauuna yung pagkasira ng utak ko bago ako kiligin sa mga banat mo." Dagdag ni Blake. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Froid at saka siya inirapan nito. "Hindi ka naman yung gusto kong pakiligin eh at saka matagal ng may sira utak mo, may isisira pa pala 'yan?" Sarkastikong sambit ni Froid.
"Eh paanong hindi mapapasabi ng get lost yung babae malay mo nagets niya yung sinabi mo. Malay mo, matalino rin tapos may kabastusan pa yung banat mo." Nakangising dagdag ni Zeph habang nakatingin kay Froid. "O talagang 'di niya lang nagets tapos ayaw niyang makipag date sa lalaking tulad mo na science addict." Dagdag pa ni Zeph samantalang si Blake naman ay 'di na makahinga sa kakatawa.
Umiling na lang ako sa kanila. "At least Froid tried his best, sadyang lumalabas lang talaga yung pagmamahal niya sa biology. At alam mo kailangan mo?" I said while smiling.
"Kailangan mo ng babaeng makakatagal sa mga biology pickup lines mo yung kayang intindihin 'yon at kiligin. Kapag matalino siguro yung sinabihan mo ng gano'n, she'll either say you're corny or you're good." I added. "Ganiyan rin naman ako kapag bumabanat ako kay Lia most of the time law yung ginagamit kong reference nakakarelate naman siya kase balak niya ring maging lawyer."
'Don swerte talaga ako. Kase kahit alam ko namang corny yung mga banat ko at least napapatawa ko siya kase nagegets niya.
"It's all about the connection, Froid. Constant communication is the key. Okay lang 'yan, malay mo kay Zoe gumana mga pick up lines mo matalino pa naman 'yon." Totoo naman sinasabi ko, pakiramdam ko kase magandang pair sila dahil magkaiba sila ng ugali. Froid frowned from that and he shook his head off.
"Tsk. She's not my type. Wala siya sa standards ko. Manginginom, nagyoyosi, palamura, iresponsable, suplada tapos parang may sariling mundo. Na para bang pagmamay-ari niya lahat ng bagay dito." Froid replied. "Ano ba naman kase tol, kung hindi biology reference ang pick up lines mo math naman tangina pre puputok talaga brain cells nung babaeng popormahan mo." Singit ni Blake habang abalang umiinom ng kape.
"Ang sabihin mo lang hindi mo naiintindihan. Gaano ko ba ibababa yung IQ ko parang mag level sa intelligence quotient mo?" Napa-woah kami ni Zeph sa sagot ni Froid at natulala lang si Blake don at saka niya ininom yung kape niya. "Grabe ka naman ayoko na ngang magsalita hmpp!" Blake pouted.
YOU ARE READING
Sunrise through Darkness
Teen FictionLietyl Agatha is your happy-go-lucky woman she is full of surprises and can be so flirty when it counts, a flexible ideal type of a lady, Dark Kierro is a quiet ambitious and easy-going man they met in a lucky chance of love and complexity that was...