UNA

7 0 0
                                    

Sa bawat pagkakataon na nakikita ka,
Di ko maiwasang tumingin sa mga mapupungay mong mga mata,
Nalilito ako kung kelan at bakit ikaw pa,
Ikaw pa ang nagpapasaya.

Natutuwa ako sa tuwing nakikita ka,
Pero mas gugustuhin ko nalang na umiwas na,
Dahil halata naman na ayaw mo akong makausap at lalong-lalo na  ang makita,
Kaya mas pipiliin na lang na asarin at i chat ka,
Dahil kapag ginagawa ko ito ay may chansang mapansin mo pa.

Papansin man ako mashado sa iyong paningin,
Pero darating di ang panahon na ako'y maglalaho at di kana papansinin,
Susulitin ko bawat sandali ng aking pagpapapansin,
Dahil alam kong mag-iiba ang ihip ng hangin.

 Mga Piyesang  Aking NaisulatWhere stories live. Discover now