dalangin

4 0 0
                                    

Mga bituin sa mga kalangitan,
Sana naman ako'y pakinggan,
Pakinggan ang simpleng dalangin,
Dalangin na matagal ko ng hinihiling.

Ako'y napatanga at  napa-upo sa may buhangin,
Napatahimik ako at tinignan ang mga bituin,
Ako'y napaisip na May mga bagay  ka palang makikita na di mo aakalain,
Pero sa huli baka mag chansang ito'y mawala din.

Alon ng dagat ay mistulang nagagalit,
Bawat hampas nito'y tila'y nasasaktan sa bawat saglit,
Hindi ko lang talaga lubos maisip,
Kung bakit may mga taong darating sa buhay mo pero kinabukasan maiiisip mong ito'y parang isang panaginip.

Alas dos ng umaga ng ako'y bumalik sa may baybayin,
Humiga sa may buhangin at ang mga bituin ay nanjan parin,
Pinagmasdan ng mabuti ang ganda ng bituin,
At biglang napasabi ng "ang dami at ang gaganda nila pero sa umaga'y ito'y maglalaho din".

Musika saakin ang tunog ng bawat hampas ng alon  sa may dalampasigan,
Habang ako'y nakatitig sa ganda ng kalangitan,
Di ko maiiwasan na mapangiti lamang,
Pero may mga bagay padin na gumugulo sa aking isipan. 

Nakatulog  ako sa may baybayin,
Mga alas singko na ng ako'y muling nagising,
Pagkamulat ng aking mga mata ay bigla nalang napalitan ang aking mga ngiti,
Dahil wala na ang mga magagandang bagay na kani-kanina lamang ay saakin ay nagpapangiti.

Paano kung wala talagang patutunguhan?
Paano kung wala itong kahahantungan?
Paano kung ako'y pinaglalaruan lamang?
Yan ang mga katanungang hindi maalis alis sa aking isipan.

Pero sabagay, tama naman siguro ang aking nagawa,
Na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman,
Ayokong pagsisihan sa huli dahil wala akong nagawa,
Kaya kahit wala syang pake ay uulitin at uulitin ko padin na sasabihin sa kanya,
At hindi ako mapapagod na sabihan sya ng "mahal kita".

Ang tanging dalangin na sana'y tuparin,
Sana namay maging okay sya at palaging masaya din,
Ito'y simpleng dalangin na sana ay tuparin ng mga bituin,
Habang ako'y humihiling habang nakahiga sa ilalim ng mga bituin,
At habang nakatingin sa malayo, humihinga ng malalim at nakikinig sa tunog ng alon sa dilim. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Mga Piyesang  Aking NaisulatWhere stories live. Discover now