Naghuhumirado anng puso ko sa hindi malamang dahilan . May kasalanan ba kaming ginawa ni Cherry ? Nakatingin sila sa amin , at napaka seryoso nila . Napasulyap ako kay Cherry at nakitang kinakabahan rin.
Sige, Cherry at Andy aalis na kami .. – natinag lang ako ng biglang magsalita si Chard , at muli naalala na nandito pa pala sila , bigla ko yatang nakalimutan na may kausap ako tch, at hinarap namin sila ni Cherry .
Thank you sa pagbili ..—sagot naman ni Cherry .
Kainin niyo na iyan ni Andy -- huling bilin ni Paul . Tumango naman ako hudyat sa pagsang –ayon para lang umalis na silang dalawa ...
Sabay kami ni Cherry na humarap sa kanila , Nandito na pala kayo pinsan .. – agad na baling ko sa kanya ng makitang nakakalayo na anng dalawa.
Tch, nandito na kami kanina pa , habang kausap niyo anng dalawang lalaki .. – nagulat naman ako ng si Steven anng nagsalita, nakita kong nakabihis na siya , siguro ay natapos na anng laro .
Bumalot anng katahimikan sa amin . Hindi kona alam ang isasagot ko dahil sa sinabi niya .
Kamusta anng Laro pinsan ? tapos na ba ? – laking pasasalamat ko ng magsalita si Cherry .
Oo, tapos na – nakitaan ko ng inis anng mukha niya ..
Sino ba iyon ? –tanong naman ni pinsan sa akin .
Ah , transfere sila bumili lang sila ng tinda natin .- nakangiting paliwanag ko .
Hay nako Andy , manliligaw mo na naman ? – bakas rin anng inis niya , Ano ba anng ginawa namin ni Cherry bakit na iinis sila ?
Hindi ah , bumili lang iyon .. – agad ko naman na sabi .
Tch , bumili lang ? eh bakit may iniwan para sa inyong dalawa ?? -- na pa angat naman ako ng tingin kay Steven dahil sa sinabi nito . Hindi ko naman maiwasan anng kumunot anng aking noo habang nakatingin sa kanya ..
Hay nako pinsan , anng mga malesyoso niyo ..—naiinis rin na sabi ni cherry ..
Yeh right , nakikipagkaibigan lang sila .. – agad ko naman na sabi para matulungan si Cherry sa pagpapaliwanag. Para kasing kasalanan na naman namin .
Nagbuntong hininga si pinsan na parang wala rin magawa kundi anng maniwala sa sinasabi namin ni Cherry . - Haist sige na naniniwala na kami sa inyo ... Kayo lang ba anng tao ditto ?? -- nagtataka nitong tanong nag mapagtantong kami lang anng bantay .
Oo , umalis sila dahil manonood rin sila ng laro ninyo , kaya kami lang ni Cherry anng natira .. – sagot ko naman ..
Manonood sana kami ni Andy , kaso walang bantay at pinapahinga rin siya ni Coach .. – dagdag pa ni Cherry .
Kamusta anng laro , Steven ?—baling ko sa kanya ng makaupo kaming apat ..
Okey naman .. – tipid nitong sabi , hindi ko alam kong galit ba siya dahil nanatili lang siyang seryoso ..
Maganda anng laro nila Andy , magaling anng kaibigan natin ..- nakangiting sabat ni pinsan ..
Grabe nga anng hiyawan ng mga nanonood , naririnig pa namin dito.—nakangiting sabi rin ni cherry .
Saan pala sina Josh at si Kimberly ?? – nang maalala na wala sila ..
Tch , lagi mong hinanap anng wala .. – nagulat naman ako ng sinabi iyon ni Steven , sinabi niya iyon sa mahinang boses , pero kong hindi ako magakakamali ay narinig rin iyon ng mga kasama namin . Ano ba anng problema niya ? Binabara niya ako palagi ah..
BINABASA MO ANG
LOVE GLIMPSES
RomanceMatagal kona siyang gusto . Matagal ko narin itinatago ang nararamdman ko sa kanya. Palagi kaming nagkikita pero parang anng layo namin sa isat-isa . Yong tipong pag-nandyan siya ay hindi ako matingin sa kanya , natatakot na baka mahuli niya akong n...