"Maam,wala pong ginagawang masama si aeris,sakatunayan nga po eh, Sina cholo po talaga yung naunang mambugbog kay aeris, hindi na po sana papatol si aeris kina cholo kaso hinigit ni cholo yung uniform ni aeris, at nung tatanggalin na po sana yun nun ni aeris bigla-bigla nalang pong sinuntok ni cholo si aeris at sumugod naman yung ibang kaibigan nya. Mahabang paliwanag ni abby may matanang guro.
"Okay,cholo? Sabi nya sabay baling ng tingin kay cholo.
"B-bakit p-po maam?" sagot naman ni cholo na nanginginig na ngayon.
" Go to the disciplinary office now!!" sabi nya kay cholo.
"At ikaw! Sabay turo nya saakin, pumunta ka rin doon, dahil kahit hindi ikaw ang nagsimula ng gulo, lumaban ka pa rin. Mahabang sabi nya habang nakaturo ang kamay saakin.
"Ahmm okay po maam." sabi ko na nakayuko.
Haist.. I hate being like this.
Sunod sunuran sa guro.
Yanaella 's pov
" anak! (Tok,tok,tok)"
"Po?"
"Bumaba ka na dito at malelate ka na sa pasok mo" sabi nya.
Hala! Oo pala lunes na ngayon....
Tiningnan ko ang orasan ko.
What the.... 7:16 na!!!....
8:00 pa naman ang pasok ko."Okay po,pag katapos ko po baba ba na.."
Narinig ko naman syang pababa na kaya nag lakad na rin ako papuntang banyo para maligo at gawin ang daily routine ko.
-
"Manong, dito nalang po ako."
"Ay bakit po maam, hindi panaman po tayo sa school nyo ah?" sabi nya saakin.
"Ihinto mo nalang ang sasakyan." sabi ko ulit sa kanya na may pag kairita na.
"Hmm okay po." sabi nya at hininto ang sasakyan malapit sa isang maliit na karinderya.
" itetext nalang kita mamaya pag mag papasundo ako." sabi ko at bumaba na nang sasakyan.
Narinig ko naman ang pag alis ng sasakyan ko.
Haist...Mukhang malayo-layo pa ang pag lalakad ko nito, ah.
Isa malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago ako lumakad.
-
Nandito na ako ngayon sa school, at masasabi kong lahat ng estudyante dito ay mayaman dahil sa mga tindig at mga kilos nila.
"Yuck,sino sya?" dinig kong sabi nang babae na nadaanan ko.
"What the! Ewan? Sino sya"ulit naman ng katabi nya.
"Ah, transferee ata, di ko naman sya nakita nung first sem. Sabi naman ng isa.
Hindi ko nalang sila pinansin at lumakad na ako papunta sa 2nd building kung nasaan yung room ko.
Tinignan ko yung pintuan kung ano ang section. ...
Hmm yes!!
Eto na!! Pumasok na ako at nakita ko doon si maam. Nag tuturo.
"Hmm ikaw ba yung transferee?" sabi ng guro habang nakataas ang kilay.
"Ahmm opo" sabi ko naman na parangnahiya.
"Ok,sige mag pakilala ka dito." sabi nya ulit habang tinuturo sa may tabi nya.
Lumakad naman ako papunta doon. At nag pakilala.
"Hmm hi, Im yana hyundist half fil. and korean." Sabi ko sabay bow.
"Okay,Kung may gustong itanong sakanya, mag taas lang nang kamay."
Lord sana wala po, sana wal--
"Maam?"
Bigla akong nag angat ng tingin.
"Oh bakit,anong itatanong mo sakanya?" tanong ni maam doon sa babaeng maganda.
Hindi lamang sya sumagot sa guro sa harapan at bumaling nalang nang tingin saakin.
" Totoo bang half korean ka? Bat ang itim mo, pinag loloko mo ba kami ha?" sabi nya saakin habng nakataas ang kilay.
"Oo"
"Nag papatawa ka ba! Baka koreanang sunog... Haist youre getting into my nerves. Sabi pa nya ulit .
Nakita ko naman na lahat nga tao dito sa room ay nag tatawanan, ang mas malala pa ay kadmsama si maam.
"Oo nga, totoong half ko-
"Tama na yan, Miss hyundist maupo kana." sabi ni maam habang pinipigilan ang pag tawa.
Wala na akong nagawa kaya umupo na lang ako sa may hulihan..
"Haist, ngayon ko lang nalaman na may korean palang maitim." dinig kong sabi ng isang babae sa katabi nya.
Di ko nalang yun pinansin at nakinig nalang ako sa tinuturo ni maam.
-
Break time na. At pumunta na ako sa cafeteria.
Habang nag lalakad ako ay panay bulong-bulongan nanaman naririnig ko. Dahil aw koreanang maitim daw ako at puno ng tadyawat.
Bumili nalang ako ng pag kain at pumunta sa may garden sa likod ng campus.
Sumilong ako sa may ilalim ng puno at doon kinain yung binili ko.
Habang ngunguya ako,napapatawa nalang ako dahil iniisip ko yung sinasabi nila saakin ngayon.
Hahaaha...koreanang maitim
Author's note:
Pls,Don't forget to comment,vote and follow!!
Love guyzThanks po ulit!!!
YOU ARE READING
Behind Her Mask
TeenfikceHi guys,, this is my first story here in wattpad, pls.read and support my story, and DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW. YEAR STARTED: 2020