Chapter 2

45 17 2
                                    

"Ayan na si yana!!! Wag kayong maingay!!" Sabi ng mga studyanteng ka batch ko.

Habang nag lalakad kasi ako dito sa lobby ay yan ang naririnig ko, dahil big deal sa kanila yung pag be break namin ni keight dahil ultimate crush sya dito eh,

Ngayon papunta na ako sa principal office dahil napag disisyonan ko kanina na mag tatransfer ako sa ibang school para, maka move on naman ako kahit papano.

Pag dating ko sa may pintuan,huminga muna ako ng malalim at nag katok na.

(Tok..Tok..tok..) "Sir?" Tawag ko.

"Pasok!"
Sabi nya sa loob. kaya pumasok na ako.

Nakita ko syang may pinipirmahan. kaya nag lakad na ako sakanya, Nag angat sya ng tingin.

"Hmm... Anong kailangan mo?" sabi nya saakin. "Ahm.. Pwde po bang mag transfer sa ibang school?" Sabi ko.
"Bakit iha, may nang bully ba sayo?" tanong nya ulit.

Grabe naman na principal to. Nag tatanong lang kung pwedeng mag transfer, tanungin ba naman akong may nang bully sakin. Dahil ba sa itsura ko? Tsk. Tsk. Lahat na ba ng tao dito mapang husga?

"Ah eh wala po. Gusto ko lang po magtransfer."

"Ah okay, bukas kunin mo saakin yung mga kailangan mo sa pag tatransfer ha."

"Ok po, thank you po. Sabay bow.

Haist, tss... tss.... salamat dahil makakaalis na ako dito sa school at di ko namakikita ang mga pag mumukha nila.

Dumiresto na ako sa tambayan ko.

Sa likod ng school may isang malaking puno doon kaya doon ako palaging tumatambay. dahil narin sa open place ito at nakaka relax ang hangin.

Umupo ako sa ilalim ng puno, at dinadamdam ang hangin na nararamdaman ko sa aking pisngi.

Hayy, naalala ko nanaman yung kanina,at kung paano nag simula yun.

*Flashback*

Kasalukuyan ako ngayon na nag lalakad papuntang room namin ng

*boogsh.....*

Tumilapon lahat ng libro ko sa sahig. Yumuko ako at kinuha ang mga gamit ko.

Habang kinukuha ko yun ay may isang kamay din ang tumulong. Pag katapos kong pulutin yun ay kinuha ko na sakanya yung mga gamit kong kinuha nya din para tulungan ako.

Pag tingin ko sa kanya...(*...*) para akong namutla at na shock sa lalaking kaharap ko ngayun. 

"Ay! Sorry pala." Sabi ko sabay kuha sa kamay nya ang mga libro ko. Aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Ahmm miss sorry din." Sabi nya sabay ngiti. Nag nod lang ako sakanya.

"Ah, okay lang." Sabi ko sabay alis ng kamay nya sa braso ko.

"B-bye" Sabi ko. At umalis na doon.

Nang makarating na ako ng room ay laking gulat ko ng mapag alaman na mag kaklase kami ng bff ko.

"Hi yana!" Sabay halik nya sa pisngi ko".

"Hi din." .sabi ko naman.

Ilang sandali pa ay biglang pumasok si maam.

"Hi guys, dahil last year na lang kayo dito sa school at first day nyo na ngayon, mag iintro kayo dito sa unahan sasabihin kung ano ang pangarap nyo." sabi nya.

"Okay po." sabi naman namin.

"And mauuna ka miss." Sabay turo nya sa likuran ko. since nasa ikalawa ako na row sa hulihan ay alam kong madali na ako, kahit kaka simula palang.
At nag pakilala na sya sa unahan.

"Hi,my name is Ashley Yu 16 from english and i want to be a doctor someday, Marunong po ajo mag salita nang tagalog dahil po taga dito po ang mama ko."  Sabi nya sabay bow.

At marami pang sumunod sa kanya kaya di ko na namalayan na ako na pala ang susunod...

Behind Her MaskWhere stories live. Discover now