Prologue

19 2 0
                                    

Lahat naman siguro ng tao ay nagkaroon na ng CRUSH. Bata, matanda, teenager, o kung ano mang edad yan. CRUSH lang sa una, tapos magiging gusto mo na sya, hanggang sa mafall ka na at mainlove sa kanya. Hindi biro ang mainlove, dahil kapag ikaw ay nainlove siguradong may kasunod na yang sakit, sakit sa puso, sakit sa utak, sa mata, sa tenga at sakit sa buong katawan.

Hindi naman masama ang magmahal pero ang masama ay ang ibigay mo ang lahat lahat para sa taong iyong minamahal, at wala ka ng itinira para sa sarili mo, tapos ikaw lang din naman ang masasaktan. Ikaw na nga yung nagmamahal tapos ikaw pa yung nasasaktan? Alam mo kung bakit? Kasi nagpapakatanga ka, habang yung taong mahal mo ay natatanga dahil hindi manlang nya napapansin ang taong nagiging tanga dahil sa kanya.

Sa sobra nga nating pagmamahal ay nasasaktan lang tayo. Nasasaktan tayo dahil umaasa tayo na mamahalin din tayo ng taong mahal natin. At kapag naman tayo ay umamin na sa kanya at umasa tayo na ang sagot nya ay mahal nya rin tayo kahit na ang totoo ay may mahal silang iba. Ang sakit sa pakiramdam na mareject, na sa sobrang sakit ay parang gusto mong magmove on at kalimutan nalang ang lahat.

Pero bakit nga ba tayo nagmamahal? Bakit patuloy nating minamahal ang taong wala ng ginawa kung hindi ang saktan ang ating damdamin? Bakit patuloy tayong nagpapakatanga sa taong hindi naman tayo pinapansin? Bakit patuloy tayong umaasa na mamahalin din nya tayo kahit imposible naman?

Ang daming tanong na nabuo sa isip ko. Tanong na sa tingin ko kahit kailan ay hindi na masasagot.

---

Haaay. Umagang umaga, nag aabang nanaman kay crush. Nag aabang kala mo naman pinapansin sya, akala mo naman kung sino kaganda. Haaay. Araw araw ganito ang ginagawa ko. As in araw araw kahit walang pasok, araw araw na naghihintay na makita si crush. Hinihintay kahit sa kalsada, tutal malapit lang naman ang bahay nila samin.

Nandito ako ngayon sa may gate, inaabangan ang nagpapakumpleto sa araw ko. Araw araw pumapasok ako ng maaga para lang makita sya sa pagpasok nya. Kaklase ko naman sya, pero hindi ko lang alam kung bakit kailangan ko pa syang hintayin sa tapat ng gate, siguro gusto ko na ako ang unang makakita sa kanay. Hahaha.

Kung gaano ko sya gustong makita, ganun naman sya na wala paring pakealam sa akin. Alam kong hindi pa nya alam ang nararamdaman ko sa kanya, pero ganun na ba sya kamanhid para hindi nya maramdaman yun? Hindi pa nya alam na may crush ako sa kanya dahil mga kaibigan ko palang ang nakakalam. Siguro sasabihin ko nalang sa kanya kapag graduation na, okaya naman next month sa Feb 14 para Valentines. Kaso baka naman pag nalaman nya sa araw na yun imbis na Valentines ang icelebrate ko eh magiging undas dahil baka bastedin nya ko.

Omyghaad, omyghaad. Ayan na sya. Papasok na sa gate. Haaay. Hindo man sya kagwapuhan pero para sakin ang gwapo nya. Ayan na sya palapit na sya sakin, ay! Wag assuming malamang palapit yan sakin kasi may assignment kami sa Math at kailangan nya ang tulong ko.

"Ay, Mandy. May assignment ka sa Math? Pwede pakopya?" Tanong nya sakin. Haaay. Sabi ko na nga ba eh iyun nanaman ang tatanong nya. Lagi naman syang ganun eh kapag kailangan lang nya ako tsaka sya lalapit sakin.

"Malamang meron akong assignment Jaynan, ako ba ikaw para hindi gumawa? Tsaka bakut naman kita papakopyahin? Sino ka ba? Pwede pang turuan kita pero pakopyahin? No way!" Ganyan akong sumagot sa kanya, masungit lagi. Syempre baka mahalata nya kapag lagi ko syang pinagbibigyan. Ayoko namang mabuking agad nya yung lihim kong pagtingin sa kanya kasi baka mamaya layuan nya ako okaya naman hindi na pansinin, ayaw ko naman ng ganun kasi baka mamaya magkandabaliw baliw na ako.

Pumayag sya sa offer ko na tuturuan ko nalang sya. Kaya ayun, tinuruan ko sya kaya nakaperfect sya sa assignment namin.

Lumipas ang buong araw, walang bagong nagyari. Ganun pa din tulad ng dati. Lalapitan nya ako pag may kailangan sya, iiwanan na ako kapag nakuha na nya tapos dadaan daanan nalang kapag free time. Laging ganyan ang routine ng buhay ko. Laging ako ang kinikilig ako ang nagpapantasya, ako ang may gusto at ako ang nasasaktan.

The Twist in our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon