Mula pa noong bata si Sarah ay lagi na siyang api dahil BF—black and fat—siya. Dalawang lalaki lang ang totoong nagpapahalaga sa kanya: ang tiyuhin niyang tumayong ama niya at si Verge, ang mabait na bagong kapitbahay nila.
Nang biglaang mamatay ang tiyuhin ni Sarah, pilit siyang ipinapakasal ng biyuda nito sa isang lalaking hindi niya gugustuhing maging asawa kahit sa panaginip. Ang pagpapakasal niya sa lalaki ang bayad daw sa ipinantustos ng tiyuhin sa kanya. Nalaman niyang hindi pala siya tunay na kadugo ng mga ito.
Sa kawalan ng mapupuntahan, si Verge ang nilapitan niya--para pakasalan siya, nang sa gayon ay matakasan ang nakaambang bangungot.
“Kailan mo gusto?” kaswal na balik-tanong ni Verge kay Sarah pagka- tapos ng proposal niya.
“Payag ka sa kasal? S-sigurado ka?”
“May naaalala ka bang pagkakataon na hindi ko pinagbigyan ang hiling mo?”
Hindi siya nakapagsalita. Biglang natakot.
May palagay si Sarah na sa mga susunod na araw ay hindi lang ang pangalan niya ang babaguhin nito, pati ang pintig ng insecure niyang puso...Note:
Slow update po ito readers. Pero kung maraming votes at inspiring comments na walang "update po!" baka mas masipag akong mag-update. 😁
BINABASA MO ANG
Lovefinder Postscripts: Verge & Sarah (Heart's Wish)
RomanceLovefinder book 17. Published years ago. Virgilio/Verge and Sarah story Unedited. First draft