PROLOGUE

88 10 1
                                    

"Doc, pinapapunta ka na sa ER may naaksidenteng bata," hingal na hingal ang nurse nang pumunta sa office ko.


Hindi ko alam ang nangyari pero bakas sa kaniyang mukha ang pagka-nerbyos. Hinahabol niya rin ang kaniyang hininga na halata namang tumakbo pa siya rito.


"O bakit 'di niyo agad ako tinawag?" Tanong ko habang may tina-type sa desktop.



"Ilang beses ka naming tinawagan doc pero di ka naman sumasagot" umirap siya na parang ako pa yung may kasalanan.



Agad kong tinignan ang phone ko nang makita yung 15 missed calls. Shemay! Bakit kasi nakasilent yung phone? Hindi ko alam na may duty pa pala ako.



Tumayo agad ako at kinuha yung white coat na nakasabit sa may cabinet. Tinignan ko ang wrist watch.


8:27 pm

Five hours na pala ako rito sa clinic. Hindi ko namalayan ang oras. Agad akong nag sign of the cross at nagbabakasakaling di ako papagalitan ng Chief Department namin.

"Anong nangyari at bakit naaksidente yung bata?" Tanong ko habang naglalakad na kami ng nurse papuntang ER.

"Nahulog po kasi sa hagdan doc habang naglalaro. Unang natamaan yung ulo. Iyak siya nang iyak at nagrereklamo na masakit daw talaga yung ulo niya. Mabuti nalang po hindi mataas yung pinaghulogan niya." Diretsong sabi ng nurse.

"Bigyan mo ng paracetamol every six hours para marelieve yung pain," seryosong sabi ko. "Kailangan natin siyang obserbahan nang maigi kung mild or serious yung head injury niya."

Mabilis kaming nakarating sa Emergency room, rinig na rinig namin ang iyak ng bata pati na rin ang kaniyang yaya. Halata sa kaniyang kinikilos na kinakabahan na para bang papagalitan talaga siya ng kanyang amo.

"DON'T TOUCH ME. I WANT MY MOMMY! I WANT MY MOMMY!!!" sigaw ng bata nang hinawakan siya ng nurse para lagyan ng cold compress ang ulo niya.

Pumunta agad ako sa bata na umiiyak. Bakas sa kaniyang mukha ang sakit at takot. Kinuha ko yung ice na nakabalot sa towel na agad naman inabot ng nurse sa akin.

"Where's her mom?" tanong ko sa yaya na kabadong kabado pa rin at 'di mapakali.

Sinuri ko muna yung bata para malaman kung mild or severe yung head injury niya. Mabuti naman na mild lang at hindi na kailangan magpa CT scan para malaman kung may dugo bang namuo sa loob ng kanyang ulo.

Kitang kita sa mata ng yaya ang takot at kaba. Hindi pa rin siya sumasagot sa tanong ko kaya tinignan ko ulit at hinihintay siyang sumagot.

"Na-nasa ibang ba..bansa pa p-po. B-bukas pa po yun uwi ," utal utal niyang sabi "Si.. sir na lang po yung pu...punta dito, Doc"

Ikinuwento rin ng yaya na agad daw silang pumunta rito sa hospital kasi nangangamba na siya sa ano mang mangyari sa bata. Nasa trabaho raw kasi yung magulang niya kaya silang dalawa ng bata ang nasa bahay.


Ibinalik ko agad ang tingin sa bata na umiiyak pa rin ngayon. I stared at her and noticed some familiar features. Binalewala ko nalang at napangiti sa bata.

"Do you want some lollipop?" sabi ko at ipinakita ang lollipop na nasa loob ng bulsa ko. Unti unting nawawala ang hikbi niya.


Malapit ako sa bata kaya pediatrician ang pinili kong specialization. Nag iisang anak lang akong babae kaya natutuwa ako kapag maraming bata ang napapangiti at nakakasama ko.


Entangled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon