Chapter 04

31 7 2
                                    

"Bakit? Gusto mo ba na higit pa 'dun?"



Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong lumayo at mahinang itinulak siya. Nakita ko naman ang itsura niya na palabirong nakangiti nang dahil sa ginawa ko sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ngunit bakit naninibago ako kapag nakangiti siya?




Hindi ko ipinakita sa kaniya na naapektuhan ako. Seryoso ang aking mukha na parang mangangain ng tao.




"A-ano bang pinagsasabi mo?"




"You said earlier that you don't want us to be friends." 




"Eh ayoko nga. Bakit ba?" I crossed my arms at hindi tumitingin sa kaniya.



Naiinis na rin ako dahil pinapahaba niya ang conversation namin. Alam naman niya siguro na nagugutom na ako. Ba't pinapatagal pa niya? Iniikot niya lang ang storya eh.




"Then let's eat like we're strangers. " walang emosyon na sabi niya.




Mood shifter.




"Ayoko nga sabi eh. Mapilit ka eh no?"




"Okay." He said in a monotone.



Tinalikuran niya ako para pumunta sa parking lot. Uuwi na rin sana ako nang marealize na wala akong dalang kotse dahil sumakay ako sa kaniya. Higit sa lahat, tinakasan ko si Issa kanina na dapat dun ako sasakay. Plus, wala ring pagkain sa condo dahil ubos na. Prutas at gulay nalang ang nandun.




Nakakainis naman oh!




Tatawagan ko ba uli si Chark? Nahihiya ako sa kaniya pero gusto ko ring kapalan ang mukha ko. Kanina, pinipilit ko na ayoko ngang sumabay kumain sa kaniya tapos ngayon gustong-gusto ko na. Napakalmot ako sa ulo at 'di alam anong gagawin. 




Bahala na si antman.




"Ahh Cha- ay este Kian!" Sigaw ko habang papalapit sa sasakyan niya na kakabukas niya lang.




Lumingon siya sa'kin at bakas sa mukha niya ang pagkalito kung bakit pa ako nandito. Hindi siya nagsalita kundi tumingin lang siya sa mukha ko at tila inoobserbahan ang mga ito.




"Ah eh.. pwede makisabay nalang? Wala na rin kasi akong choice tapos tinakasan ko rin si Issa, diba? Wala rin kasi akong pagkain sa condo. Nakakapagod na rin kasing maglakad papunta sa condo, ang init init pa naman ngayon." pagdadahilan ko pero hindi pa rin siya nagsasalita kaya ang awkward ng sitwasyon namin.



"P-pero okay lang naman kung 'di ako sasabay. Ayoko naman maka-abala sayo. Ayoko naman maging pabigat. Baka may makakita sa'tin na kamag anak mo tapos sasabihin na girlfriend mo ako. Tapos gagawa sila ng issue at papalayasin ka sa condo mo. Ayoko naman na makatanggap ng isang milyon galing sa magulang mo para lumayo ako sa sa'yo."



"Sumakay ka na." Aniya na parang 'di niya narinig ang lahat nang sinabi ko.



Nagliwanag naman ang mukha ko at binuksan na kaagad ang frontseat sa sasakyan niya na siya sana ang bubukas pero inunahan ko lang. Sinuot ko rin ang seatbelt at masayang nakangiti.



"Salamat talaga ha. Promise, wala naman akong gagawing masama sayo. Okay na rin na maging friends tayo pero hindi ko sinabing higit pa dun. Ayoko rin na magkaron ng jowa kasi study first ako kaya 'wag kang umasa dahil aasa ka lang." Nakakatawang  sabi ko. 



He smirked na parang may narinig siyang mali sa sinabi ko. "Para kang white blood cells,"




Napakunot na naman ako dahil 'di ko alam anong pinagsasabi niya. Tumingin ako sa kaniya pero nakatingin lang siya sa front view at balak nang paandarin ang sasakyan.



Entangled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon