Chapter 03

30 8 1
                                    

Nagising ako nang may  narinig na maingay na tunog galing sa cellphone.




Di ko sana sasagutin pero ilang beses na siyang tumatawag at nakakadistorbo na siya sa pagtulog ko.




Kinuha ko yung phone sa side table at nilagay sa tenga na nakapikit pa rin ang mga mata.




"Hello? Sino to?" Tanong ko na may mahinang boses.




"HUY ZEIRYNNE! MAGBIHIS KA NA!" sigaw ni Issa kaya nilayo ko ang phone ko para di ako mabingi sa boses niya, "BILIS!"




"Anong gagawin natin ngayon? Saturday na saturday, distorbo ka eh," Nakahiga pa rin ako at walang balak na sundin siya.




Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at sinigawan ulit ako, "TANGA KA BA? Friday ngayon. Ang bobonicles mo Zeirynne!"




Napatayo kaagad ako at wala nang balak i-end call si Issa. Nawala lahat ng antok ko na para akong binuhosan ng kape. Tinignan ko pa yung wall clock at may 20 minutes pa naman before magstart yung klase.




Nag-ninja run na ako papunta sa CR. Mabilis lang ako natapos dahil di ko na sinabon lahat ng katawan ko. Nagmamadali ako kaya wala akong choice.




Kinuha ko yung P.E uniform dahil friday ngayon. Nagdala nalang din ako ng extra shirt kasi wala naman kaming pasok sa hapon.




Balak ko sanang kunin ang toothbrush pero narealize ko na baka mas malate ako kaya kinuha ko nalang ang mint candy at nginuya ito.




Di ako dugyot... ahmm, ngayon lang. Ngayon lang siguro hehehe.




Umalis na ako habang sinusuklay yung basa kong buhok. Nakarating na ako sa lobby nang makita ko si Kian na papunta na sa kaniyang sasakyan pero napahinto siya sa paglalakad nang makita rin ako.




Naalala ko tuloy yung nangyari last week..




~FLASHBACK~




"It's been four years." sabi ni Issa na nakangiti.




Ano? Matagal na silang magkakilala?




Almost three years kami na naging magkaibigan ni Issa dahil nung college ko lang naman siya nakilala kaya hindi ko kilala kung kaano-ano niya si Chark. Ex ba? Pinsan? Relative?




"Yeah, nice to see you again Issa." Walang emosyon pa rin sabi ni Chark pero di niya pa rin matago ang saya na nakita niya si Issa.




Nakikita ko sa mga mata niya eh.




"Where have you been for four years? Bigla ka nalang nawala. Saan ka nag aaral ngayon? Anong course?"




Grabe. Halatang halata sa'yo Issa na nami-miss mo siya. Nang-ghost ba si Chark? Nalilito na talaga ako. Para akong tanga na nakikinig sa pinag-uusapan nila. Para akong hangin na di nila nakikita. Alam ba nila na nasa gitna ako at ang awkward na nang dating ko rito? Tsk.




"Ah eh.." tumaas pa ako ng kamay na parang magre-recite dahil gusto ko na talagang pumasok sa loob kasi gutom na rin ako. Ayoko na rin marinig ang sagot ni Chark dahil hindi naman ako interesado. Alam ko naman na ang course at school niya.




Halata naman na napatingin sila sa'kin nang makita na tumaas ang kamay ko. Tama nga ako, dahil ngayon lang nila ako napansin.




Entangled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon