"kurttt!"
napairap nanaman si kurt nang sinubukan ni shae kumandong sa kanya, habang natatabig lahat ng kanyang mga papel. Napangiwi si shae ng bumalot sakanyang hita ang malalamig pero maingat na kamay ni kurt, tinutulak si shae palayo.
"ano nanaman ba" mabigat na sabi, habang dinadampot ang mga papel, agad binura ang mga aksidenteng nasulat sa kakulitan ni shae, pinagpag ang mga alikabok at napatingin kay shae, "ano pang ginagawa mo dito? nagttrabaho ako" pulang pula ang mga labi habang lumabas ang mga malalamig na salita.
Ngumiti si shae, mga mata na kumikinang na parang mga bitwin, mga ngiti na kasing buo ng bwan, ugaling masyadong maligalig para kay kurt. "wala, gusto lang kita samahan"
Napairap nalang sya sa mga narinig nya at binalikan ang pag guhit sa papel. Lumapit nanaman si shae at tinuloy ang pangungulit kay kurt, tuloy lang ang pagirap ni kurt kay shae, pero wala syang ibang ginawa kungdi ngitian lang ang masungit na si kurt.
"pssst" bulong ni shae habang nakaakap, napatingin si kurt at nadatnan ang mga inaantok na mata ni shae, sumiksik lalo si shae ng walang tinitirang lugar para kay kurt. Tanaw na tanaw niya ang mga mala rosas na labi ni shae at ang mga mahahaba na pilikmata na nagbibigay anino sa kanyang mga pisnge, kanyang buhok na tila perpekto ang pagkatakip sa kanyang mapupukaw na mata.
tuluyan na ngang nakatulog si shae sa tabi ni kurt. agad agad nyang hinubad ang suot nyang sweater at pinatong sa mahimbing na natutulog na dalaga.
"tangina, ang lamig ng katawan mo" pagalit na sabi. Habang hinahagod ang makinis niyang balat.
"mhm" tinatanggi lahat ng mga sinasabi ni kurt, niyakap niya ng mahigpit si kurt "mahal kita kurt" sabi nya half asleep.
walang paki si kurt doon, agad binalik ang attensyon nya sa mga papel, nakalabas pa ang dila "alam ko" .
----