11

439 10 0
                                    

Xionne's POV:

After that embarrassing walkout, bumalik na kami sa classroom at pinagpatuloy ang mga ginagawa namin. Halatang-halata ng classroom ang tensyon na namamagitan saamin ni Rossignol kaya't minabuti nilang manahimik nalang, pero di mo parin maiiwasan ang mga bulung-bulungan tungkol sa nangyari kanina.

Naglalakad kami ngayon ni Alice pauwi ng condominium namin dahil malapit lang naman yon sa Imperial. Malaki ang condo namin, apat ang bedrooms, may malaking sala, malaki din ang kusina't dining room, may maliit din kaming study room at gym, at may game room din kami. Kasama yan sa tatatlong ari-arian na binili namin,

Ang dalawa pa naming property ay isang lupa sa Tagaytay at isang bahay-bakasyunan sa Masbate. Nakahiwalay din ang mga bank accounts namin sa account na ginagamit namin para sa Rivas. Ang sahod namin bilang outsider ay napupunta sa sarili naming account pati ang mga ipon namin at ang allowance na binibigay saamin ng mag-asawang Rivas ay napupunta sa account na ginawa nila para saamin.

Wala silang pwedeng i-access bukod sa account na ginawa nila para saamin, hindi nila pwedeng galawin ang mga iba pa naming account hangga't hindi kami willingly bumabalik sa mga Rivas. Doon palang sila magkakaroon ng karapatan na buksan at bawasan ang mga bank account namin. At kahit na gawin nila yon, may back-up at sikretong account pa rin kami para hindi kami maubusan ng pera. Dahil ang pinaka-mahalagang bagay sa mundo ng mga makapangyarihan ay pera.

"Xionne, ano na ang gagawin natin? Nawawala na naman si Miroslava, at ang Man Hunt pa, at hindi naman tayong pu-pwedeng umasa nalang sa sweldo natin sa outsider at ang bayad saatin tuwing misyon, kailangan nating mag-part time para makadagdag sa ipon natin," Pesteng Man Hunt na yan. Ang man hunt ay isang kompetisyon na idinadaos taon-taon, doon ay lahat ng mga mafias, gangster at mga kung ano-ano pang kriminal ang susubukang patayin ang top 10 na nasa listahan ng Man Hunt

At siyempre kaming dalawa ni Alice ang nasa top 2 at 1. Kami ang may pinakamalaking patong. Isang bilyon saakin at Walong daang milyon kay Alice. Nasa top 5 naman si Miroslava na may tatlong daan at limampung milyon. Lahat yon US dollars.

"Don't fret, Alice," Yan nalang ang sinabi ko as if it'll calm her down. Alice is a worrywart and saying those things won't really help her but i didn't know what to say, okay?

"Okay. Basta ikaw ang nagsabi, may tiwala akong may plano ka," Aba kumalma nga siya?

Nakarating na kami sa pinto ng condo at nagtaka nung madali namin itong nabuksan.

Agad kong nilabas ang OKC-3S bayonet na nasa bag ko at dahan-dahan kaming pumasok sa loob.

Nung nakarating kami sa sala, nagulat kami nang makita kung sino ang nasa loob.

This can't be real right?

Nandito na siya.

Miroslava's finally here.

Third Person's POV:

Kasalukuyang nanginginig sa galit si Weiss Rivas ng marinig niya ang balita.

"Goddamnit! You fools! How can you let that happen?!" Bulyaw niya sa kanyang cellphone habang kausap niya ang nagbabantay sa Mansyon nila sa Japan.

"Weiss! Anong nangyayari?!"

"Yeah Dad what happened?!"

"Apparently, Demeter and Hera intervened with our plan and helped Miroslava escape the Mansion, and the Buenvenidas are the ones responsible for the stolen money from the RIVASC account." Pagku-kwento ni Weiss Rivas. Ang plano nilang palabasin sa pinagtataguan si Xionne at Alice Rivas ay nasira na. Ginamit nilang pain si Miroslava Rivas para sana mahulog sa kanilang bitag ang dalawa.

The Mafia's Bride [Part 1] (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon