Chapter 9

42 2 0
                                    

Heizel's POV

Nauna ng umuwe si Kyla, dahil nga sa kuya nyang kadarating lang. Si Elmo naman ay kasama si Martin at Lucifer. May lakad raw sila. Kaya ngayon, kami ni April ay nandito pa sa School. Susunduin raw sya ng Boyfriend nya, ilang minuto na kaming nandito sa labas na ng school ay wala pa ring boyfriend nya ang nadating.

'Nakakapagod maghintay..tss'

"Bessy, tawagan mona kaya? Kanina pa tayo e, inabot na tayo ng dilim." Lumingon ako sa oras. 6:43pm na. Alas sinko pa ang uwian namin.

"Sino ba boyfriend mo? Bago lang kayo? Hindi ko talaga alam..tss"

"Si Julz, 2weeks palang kami. hindi ka rin naman kasi nagtatanong sa'kin e, kaya pano mo malalaman? " nagda-dial sya.

"Ano sumagot na ba?"

"Hindi pa nga e, nakakainis sya."

"Ano bang real name?" Uminom ako ng tubig.

"Julz Matthew Zacares." Biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon at ang caller ay si..

~~Elmo Calling~~

[Oh? Napatawag ka?] Bungad ko.

[Nakauwi na ba kayo?] Nilingon ko si April.

"Si Elmo?" Tanong nya. Tumango ako.

[Sino 'yun?] si Elmo sa kabilang linya.

[Si April yun. Saan pala kayo?] May dumarating na kotse sa dikalayuan.

[Nandito sa' amin. Nag uusap lang, nasaan ba kayo?]

[Nandito pa kami sa Schoo---]

[ANO!?] Napalakas yata ang boses nya.

[Sorry naman, may hinihintay kasi kami.]

[Sino? Sunduin na namin kayo, gabing gabi na.]

Bigla akong kinalbit ni April, napalingon ako dito. Tinuro nya yung kotse, yun na daw yun. Tumango ako.

[Sige, bye bye na muna.] Pinatay kona agad ang tawag. Saka nilingon si April. May kausap na syang lalaki, mestizo ito at matangkad.

"Hi," napalingon ako rito.

"Ahh, h-hi," nag aalanganan pang sagot ko. Nginitian naman ako ni April.

"Babe?" Nilingon sya ni April.

"Hmm?"

"Can we go to Hotel, just for tonight with you?" Napalingon ako sa lalaki, nagtataka. Nang tignan ko naman si April, ay nakangiti ito. Tss, Napailing nalang ako.

Nilingon ko silang dalawa, habang nag uusap sila ay may napansin akong anino sa likod ng poste sa may sirang bahay. Kung hindi ako nagkakamali, ay dito sya nakalingon sa pwesto namin---sa mismong pwesto ko.

'Sya rin kaya yung lalaking pumupuslit sa bahay namin?'

Dahan dahan akong naglakad papalapit roon, yung tipong hindi ako mapapansin ng kahit na sino. Nandun pa rin yung anino, nilakad kolang ulit iyon.

Malapit na ako.

Kunti nalang.

Malapit na malapit na.

Stupidly Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon