• • • • ☾︎ freya's pov
Tatlong araw na ang nakakaraan ngunit wala pa ring Jacinth na nakikita. Hindi namin alam ang nangyari sa kanya. Walang nakakaalam kung saan siya pumunta.
Ngayong araw na rin ang panahon kung kailan lalabas ng ospital si Axle. Gusto ko siyang puntahan dahil alam ko na kung anu-anong bagay ang tumatakbo ngayon sa isipan niya.
Pinihit ko ang pintuan ng kuwarto niya nang dahan-dahan. Nakita ko siya sa kama niya, gising na gising, nakatungo sa laptop niya habang ang mga daliri niya ay tuloy-tuloy na nagtitipa ng kung ano ano.
"Axle..." mahinang tawag ko sa kanya.
Sinagot niya lamang iyon ng isang tingin saka ibinaling muli ang mga mata sa hawak niyang gadget.
Kitang kita ko ang malalalim niyang eyebags, tanda na halos hindi na siya natutulog at nagpapahinga. Kahit na nandirito siya sa ospital, pinapagod niya pa rin ang katawan niya, kahit na malapit na sa imposible ang gusto niyang mangyari.
Tumabi ako sa kanya at nilapag ang mga prutas na hawak ko sa lamesa habang hawak ko ang isang litrato sa kamay ko.
Sumilip ako sa screen ng laptop niya. Kung anu-anong numero ang nakikita ko. Hindi ko man ito maintindihan, alam ko kung anong ginagawa niya, hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap kung nasaang lupalop ng mundo dinala ni Topher si Jacinth.
"Axle." tawag kong muli sa kanya.
Saglit niyang itinigil ang ginagawa niya saka bumalik muli rito, tanda na nakikinig siya sa akin.
"Anong ginagawa mo?" maang-maangan kong tanong sa kanya.
"I need to save Jacinth. I need to save her. I need to save Jacinth. I need to save her." parang sirang plaka niyang sagot habang nakatingin pa rin sa laptop niya.
Hinawakan ko ang kamay niya, kaya tuluyan na siyang napatingin sa akin.
"I need to save Jacinth. I need to save her." bulong niya sa akin ngunit malinaw ko pa rin itong naririnig.
"A-axle..." tawag ko sa kaniya. "Tama na, please?"
Kumunot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko sa kanya.
"A-anong sinasabi mo, Freya!" nauutal ngunit nagmamadali niyang sabi. "Malapit ko nang malaman kung saan dinala ng gunggong na si Topher si Jacinth! Konti na lamang ay maliligtas ko na siya! Konti na lamang ay makakasama na muli namin siya. Tulungan mo ako. I need to save Jacinth. I need to save her. We need to save Jacinth. We need to save he—"
Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya nang dumampi sa pisngi niya ang palad ko. Halata ang gulat sa mukha niya sa lakas ng pagkakasampal ko, kaya napaling sa kaliwa ang mukha niya.
"A-anong ginagawa mo, Freya?" gulat niyang tanong sa akin. "Hindi mo ba ako tutulungan? We need to save Jacinth! We need to save her!"
"TAMA NA, AXLE!" sigaw ko sa mukha niya kaya parang natauhan siya. May isang butil ng luha na kumawala sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya sumabog na ako ng tuluyan ngayon.
"Nababaliw ka na, A-axle. Hindi na ikaw ang Axle na kilala ko." sabi ko habang nakatakip ang palad ko sa mukha ko dahil tuluy-tuloy na ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.
Naramdaman kong gumalaw si Axle, at lumapit sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang lamig ng haplos niya rito.
"A-ano bang sinasabi mo, F-freya?" utal-utal niyang sabi ba halatang hindi alam ang iuutal. "Ako pa rin 'to, Freya. Si Axle. Kaibigan mo."
Lalong lumakas ang hikbi ko sa sinasabi niya. Alam ko namang siya pa rin iyon ngunit may nagbago na, hindi na siya tulad ng dati. I want the old one back.
"But we need to save Jacinth." napatigil ako sa tinuran niya. "We need to save her."
Bumalik muli siya sa higaan niya saka muling tumingin sa laptop niya.
"I need to save Jacinth. I need to save her. I need to save Jacinth. I need to save her." paulit-ulit niyang usal habang tumitipa ng kung anu-ano ang mga daliri niya.
Anong nangyayari sa'yo, Axle?
BINABASA MO ANG
*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completed
Bí ẩn / Giật gân*4357#, also known as *𝐇𝐄𝐋𝐏#, is a hotline number that aids lonely, sad and depressed people with their problems. But what if... you really dialed the wrong number? Are you ready for its consequences? ꨄ︎ 𝙚𝙥𝙞𝙨𝙩𝙤𝙡𝙖𝙧𝙮