Prologue

15 1 0
                                    


"Bakit ba kasi kailangan pang mamatay ng isang tao? Hindi ba p'wedeng habang buhay na lang na buhay?" Hikbing tanong ng babae.

Kamamatay lang ng kan'yang ina, inatake ito sa puso.

"Ang buhay natin hiram lang natin sa d'yos, kaya pag dumating yung oras na babawiin na n'ya yung pinahiram n'ya dapat taos puso natin itong tatanggapin," saad ng lalaki habang hinahagod ang likod ng babae upang patigilin na sa pag-iyak.

Niyakap ng babae ang lalaki dala ng lungkot.

"Sabi nila, may hagdan daw d'yan," patuloy ng lalaki.

Lumingon silang pareho sa langit, "Hagdan?" Humikbi pa ring tanong nito.

"Hagdan papuntang langit, sa langit wala ng problema. Makakahinga ka na ng maluwag, walang sakit. Para ba'ng isa itong paraiso," nakangiting paliwanag ng lalaki.

"Ibig sabihin masaya na si Mommy kung sa'n man s'ya naroon?" Tanong nito habang nakatitig sa mata ng lalaki.

"Oo, kaya ikaw tanggapin mo na ang pagkamatay ng Mommy mo, kasi malulungkot s'ya kapag nalaman n'yang malungkot ang prinsesa n'ya," saad nito.

Ngumiti ang babae sabay lingon sa langit. "Mommy kung nasa'n ka man po ngayon, sana po ligtas at masaya ka d'yan."

"Kian, hindi mo naman ako iiwan 'di'ba?" Nangungusap na tanong ng babae.

"Oo naman, lagi lang akong nandito para sayo, Abby." Nakangiting tugon ng lalaki.

***

Date Start: May 21, 2020
Published: June 9, 2020

A/N: Mabagal akong mag update, minsan kapag may load saka ko lang ipa-publish. Kaya salamat sa mga magbabasa, may story na 'ko, kaso tinamad akong tapusin. Sana ito matapos ko na, 'yon lang. Salamat! Ciao!


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW FOR MORE UPDATES!!!
Thank youuuu!!!

The Stars In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon