Chapter 1

8 1 0
                                    


ABBY

Umiiyak akong nakatitig sa puntod ni Mama. "Ma, ang bilis ng panahon 'no? Parang kahapon lang mag-kasama pa tayo. Ang bilis lumipas ng panahon."

Tatlong taon na ang nakalipas magmula nang mamaalam s'ya sa'min, sobrang sakit at sobrang hirap no'n tanggapin.

"Mama, sana nandito ka pa. Ma, miss na miss na po kita," umiiyak kong saad.

Natigil ako sa pag-iyak nang may umupo sa aking tabi.

"Sabi ko na nga ba nandito ka," saad ng lalaking tumabi sa'kin.

Si Kian.

"Miss na miss ko na kasi si Mama eh," saad ko sa kan'ya.

"Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon gan'yan ka pa rin, hindi makakaalis ang Mama mo n'yan kasi hindi mo s'ya binibitawan. Kailangan n'ya rin maging malaya, Abby." Lumingon ako sa gawi n'ya bago ko s'ya niyakap.

"Ang hirap naman kasi," hikbi ko.

"Mahirap kasi, hindi mo sinusubukan." Niyakap n'ya ko ng mas mahigpit sa yakap ko.

"Anak, sa'n ka nanggaling?" Tanong ni Papa pagka-uwi ko.

"Ah d'yan lang po," nakangiti kong saad.

"Oh sige na, anong oras na. Matulog ka na masama ang magpuyat," saad ni Papa na nginitian ko lang.

Dumiretso ako k'warto ko para mahiga na, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nakatitig lang ako sa kisame dahil kahit anong gulong ko hindi ako makatulog.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table, mag o-online muna ko tutal hindi naman ako makatulog.

Wala naman akong ka chat dahil 'di ako nagrereply sa mga nag p-pm sa'kin. Halos pare-pareho lang chat nila, katulad ng;

"Kumain ka na? 'Wag kang papalipas ah, masama 'yon."

"Hi, pwede bang manligaw?"

"At3 pw3d3 pue bAng mAkiPagKaIbigAn"

Puro gan'yan, hayst.

Dahil bored ako tinignan ko ang chats, oh si Kian.

Kian Mendez: Abby, bakit hindi ka pa natutulog?

Kanina pa pala 'yan ngayon ko lang napansin dahil sa kaka-scroll ko.

Abby Gutierrez: Hindi kasi ako makatulog, ikaw bakit gising ka pa? Hindi ka pa ba matutulog?

Kilala ko kasi si Kian, napaka-antuking tao.

Kian Mendez: Inaantok na, hinihintay ko lang reply mo.

Abby Gutierrez: Matulog ka na.

Ilang minuto ay hindi na s'ya nakapagreply, pustahan nakatulog na 'yon.

Nang makaramdam ako ng antok ay pinatay ko na ang phone ko at pumikit, at unti-unti akong nilamon ng kadiliman.

"Anak, gising na! Nand'yan sa baba si Kian, hinihintay ka! May lakad ata kayo!" Sigaw ni Papa mula sa likod ng pintuan ng aking k'warto.

Pagkarinig ko ng pangalang Kian agad akong napabangon, dali-dali akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay nagbihis na 'ko at nagsuklay.

"Bagal mo naman bumababa," saad ni Kian pagkababang pagkababa ko palang ng hagdan.

Umirap ako sa kan'ya kaya naman tumawa s'ya.

"Ang aga-aga bakit nandito ka?" Mataray na tanong ko.

"Namiss kita eh," diretsong sabi n'ya. Namula naman ang pisngi ko dahil masyadong s'yang straight to the point.

The Stars In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon