Hi Sis!
Hindi mo pa din siguro alam kung bakit wala pa din akong boyfriend hanggang ngayon.
Hindi lang dahil takot akong mangyari sakin yung nangyayari ngayon sa pamilya namin.
May mas malalim pang dahilan.
I'll tell you pag handa na ako.Nakasakay ako sa bus sa panaginip ko.
Sobrang bilis ng pagmamaneho ni manong driver feeling ko isasadya niya talagang ibangga yung bus sa kung saan.
Mahigpit yung kapit ko sa upuan ko habang nakapikit dahil sa takot.Pag mulat ko tumatakbo na ako ng mabilis mas mabilis pa sa bus na parang hinahabol ako.
Nasa lumang mundo na ako ng medyo malayo na ako sa bus.
Nakakita ako ng mga prutas, pinitas ko iyon at kinain ibinulsa ko din yung iba.Nakasalubong ko siyang may dalang itak.
Akala ko papatayin niya ako.
Pero tinulungan niya akong kumuha ng iba pang prutas gamit iyon.
Hindi ko masyadong makita yung mukha niya pero pamilyar yung mga kilos niya.
Kung paano siya tumulong at kung paano niya ako kausapin.
Masyado siyang pamilyar at hindi ako komportable dahil kilala ko siya.Nakita ko sila tito at tita papalapit saming dalawa.
Gumagawa kami ng parang isang kulungan at titignan nila kung pwede na iyong ginagawa namin.Dalawang stick pa lang ang nagagawa namin maitayo. Maayos naman daw iyon sabi ni tita.
Pero mukang di ko na matatapos iyon dahil natatanaw ko na yung bus papalapit sa akin.
Hindi ko alam bat ako natatakot sa bus.
Pero tila sinusundo niya ako. Mamamatay na ba ako?Niyakap ko siya para magpaalam. "Tapusin na lang natin to bukas kapag nakabalik pa ako. Aalis na ako nandiyan na sila." Bulong ko sa kanya.
Niyakap niya ako pabalik, damang dama ko parin yung haplos niya sa likod ko. Hindi ko na agad pinatagal dahil namumuo na naman yung takot sa sarili ko dahil sa bus.Tumakbo ulit ako ng tumakbo para makalayo.
Hanggang sa magising ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.Uminom ako ng tubig. At saka ko naalala kung sino yung lalaking tumulong sakin.
Si....
Hindi ko na sasabihin kung sino ,hindi mo naman siya kilala. Nagulat lang ako bakit siya?
Damn this dream dun na lang ako kinikilig.
Alam kong di ka pa din okay hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano kita tutulungan. Minsan napapaisip din ako kung tama pa ba yung mga sinasabi ko. Sa bandang huli naman kasi ikaw pa din ang masusunod desisyon mo pa din. Pero kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako.
Magiging masaya pa tayo diba?
Frm. Nam