An unsent message

15 0 0
                                    

12:30am.
I'm still awake my love.

Kung sakaling hindi ko sinulat ang huling liham ko sayo, mahuhulog ka kaya sakin? Matutunan mo din kaya akong mahalin?

Kung di kita sinukuan may pag asa kaya tayo?

Gulong gulo yung isip ko matapos kong tapusin ang lahat.
May pagsisisi na namumuo sa utak ko.
Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa din kita makalimutan.
Umiiyak pa din ako sa tuwing maaalala kita.

Kung di lang ako mahina, sana nilaban kita.
Kaso sana naisip mo na babae pa din ako.

Sana naisip mo na iba yung mararamdaman ko kapag lagi mo akong sinusorpresa ng pagbisita sa bahay.
Na iba yung pakiramdam ko kapag tayong dalawa lang ang magkasama.
Yung unang beses na magkahawak-kamay tayong maglakad sa kumpulan ng tao sa plaza.
Mala prinsesa mo akong inaalalayan sa pagsakay sa ferris wheel at ang unang beses mong paghalik sakin habang nakahinto ito sa taas.

Tumingala ako sa mga butuin noon at binulong kong ikaw na yung lalaking gusto kong makasama hanggang pagtanda.

Sana di mo na lang ginawa lahat ng iyon Von, kasi hulog na hulog ako. Nagpatangay ako kasi akala ko kasabay kitang mahulog.

Goodbye My LoveWhere stories live. Discover now